Para sa mga may kapansanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total views

Mga Kapanalig, kung pagmamasdan natin ang ating kapaligiran—ang mga kalsada, pasilidad, establisyimento, at pampublikong transportasyon—masasabi ba ninyong idinisenyo ang mga ito nang may pagsasaalang-alang sa mga persons with disability (o PWD)? Isang aspeto lamang ito sa ating lipunang nagpapahirap sa mga taong may kapansanan. Madalas din silang tinutukso at kinukutya ng ibang tao. Limitado rin ang mga trabahong angkop sa kanilang kakayanan. Kaya naman para sa kanila, lalo na ang mga mula sa mahihirap na pamilya, sana ay mas malaki ang serbisyong maaasahan mula sa pamahalaan.

Ayon sa pag-aaral ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) at ng United Nation’s Children’s Fund (o UNICEF), ang mga pamilyang may mga batang may kapansanan ay nangangailangan ng dagdag na gastos na 40% hanggang 80% kumpara sa gastos ng mga pamilyang walang miyembrong may kapansanan. Nasa 50% din ang poverty rate ng mga pamilyang may batang may kapansanan. May mga pribilehiyo at benepisyo mang nakukuha ang mga may kapansanan, hindi lahat ay nakatatanggap ng mga ito dahil isa lang sa limang batang may kapansanan ang may PWD ID card. Marami kasing nahihirapan sa prosesong kailangang pagdaanan upang magkaroon ng PWD ID card, lalo na para sa mga may pisikal na kapansanan at mga taong walang pambayad ng assessment fees na nagkakahalaga ng ₱20,000 hanggang ₱25,000. Dahil dito, hindi nila lubos na napakikinabangan ang mga pribilehiyo at benepisyong dapat nilang natatamasa.

Dagdag sa mga hamong kinahaharap ng mga batang may kapansanan at ng kanilang pamilya ang kakulangan ng mga serbisyo at ito ay nagiging hadlang sa pagpasok nila sa paaralan. Marami rin sa kanila ang hindi naipapakonsulta, naipapagamot, o nadadala sa mga therapy na kailangan nila. Marami ding walang pinansyal na kakayanang bumili ng mga tinatawag na assistive devices katulad ng hearing aid, wheelchair, at saklay. Hindi ito problema para sa mga pamilyang mayroong resources upang mabili ang pangangailangan ng mga batang PWD at upang makapagpatingin sa mga espesyalista. Hindi imposibleng sila rin ang unang nakikinabang sa mga subsidiyang nanggagaling sa gobyerno. Marami pang kailangan gawin ang pamahalaan at ang mga civil society organizations upang mapabuti ang buhay ng mga batang may kapansanan.

Paalala ni Pope Francis sa kanyang mensahe noong International Day of Disabled Persons ngayong taon, responsibilidad hindi lang ng pamahalaan kundi pati ng Simbahan ang pagtataguyod sa pagkilala sa dignidad ng bawat tao. Bahagi ito ng ating misyong ilapit si Hesus sa bawat tao, lalo na sa mga mahihina at naisasantabi katulad ng mga PWD. Dagdag ng Santo Papa, “Encounter and fraternity break down the walls of misunderstanding and overcome discrimination; this is why I trust that every Christian community will be open to the presence of our brothers and sisters with disabilities, and ensure that they are always welcomed and fully included.” Ganito rin ang mensahe ng Diyos sa mga namumuno sa Mga Awit 82:3-4: “Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao.” Malinaw na marami pang kailangan gawin upang maisulong ang dignidad ng mga PWD bilang mga tao at anak ng Diyos.

Mga Kapanalig, kailangang siguruhing naitataguyod ang mga karapatan at ang kagalingan ng mga taong may kapansanan. Mahalagang sila ay napakikinggan at nakokonsulta sa mga patakarang layong tiyakin ang kanilang kapakanan. Kaakibat nito ang pagpaparating sa kanila ng mga programa at serbisyong dapat nilang napakikinabangan bilang mga mamamayan ng bansa. Kung tayo ay may mga kakilalang PWD, sana ay maalalayan natin sila sa kanilang pagkamit ng kanilang mga karapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 1,892 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 18,131 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 39,028 total views

 39,028 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 112,057 total views

 112,057 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 143,339 total views

 143,339 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 175,355 total views

 175,355 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 325,703 total views

 325,703 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 39,029 total views

 39,029 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 112,058 total views

 112,058 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 143,340 total views

 143,340 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 175,356 total views

 175,356 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top