Episcopal coronation ng Our Lady of Guadalupe shrine, sinariwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,727 total reads

Inihayag ni Fr. Raymund Owell Sadian ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe sa Pagsanjan Laguna na isang biyaya ang pagkakatalaga ng simbahan bilang pandiyosesanong dambana.

Sa panayam ng Radio Veritas ibinahagi ng pari na mas lumago ang pananampalataya ng mamamayan sa lugar sa tulong at gabay ng Mahal na Ina makalipas ang isang dekada mula nang maitagang diocesan shrine ang parokya.

“Ang pagkakatalaga ng ating parokya bilang diocesan shrine ay isang biyaya at pagpapala…makikita po natin pagnanais ng mga tao lalo na po ng mga taga Pagsanjan na mapalapit kay Maria bilang ina ni Hesus,” pahayag ni Fr. Sadian sa Radio Veritas.

Bagamat century-old na ang parokya ay mas umigting ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe sa kasalukuyan kung saan bukod sa taga Pagsanjan ay dumadayo na rin sa lugar ang mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas lalo sa Luzon.

Tinuran ni Fr. Sadian na malaki ang naimbag ng debosyon sa Mahal na Birhen upang mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan at higit na mailapit kay Hesus.

“Sabi nga po ‘to Jesus through Mary at nakikita ko na yun ay kanilang niyayakap at pinaniniwalaan…kung wala ang debosyon na ito ng Mahal na Birhen ng Guadalupe ay walang relasyon kay Hesus; we must know Mary to Know Jesus,” ani Fr. Sadian.

Samantala ibinahagi ni Lay Historian Andrew Luis Babaan na nagsimula ang debosyon sa Our Lady of Guadalupe sa lugar nang dumating si Franciscan missionary Fray Agustin de la Magdalena na nagkaloob ng imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula Mexico.

“Doon sa isang maliit na gawain ni Fray Agustin dela Magdalena noong November 12, 1687 ay itinalaga ang Pagsanjan bilang pinakamatandang simbahan under the title of Our Lady of Guadalupe…from that po nagsimula ang pagdedebosyon ng mga taga Pagsanjan sa patrona ng Amerika,” ani Babaan.

Sinabi ni Babaan na Marso 1945 nang mapinsala ang simbahan sa World War II kabilang na ang orihinal na imahe ng Our Lady of Guadalupe na dinala ni Fr. Magdalena.

Sa kasalukuyan nakadambana sa simbahan ang dalawang imahe ng Our Lady of Guadalupe na likha ni Maximo Vicente at imaheng ipinagkaloob ng mga deboto mula sa Mexico.

Matatagpuan din sa dambana ang stone relic mula sa Tepeyac Hill, Mexico City kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen kay Juan Diego gayundin ang replica ng ‘Tilma’.

Nitong December 12, 2022 pinangunahan ni Infanta Bishop Bernardino Cortes ang pagsariwa sa koronasyong episkopal ng imahe habang nagdiwang din ng Banal na Misa si San Pablo Bishop Buenaventura Famadio at Bishop Emeritus Leo Drona.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Renie Oliver ang diocesan shrine katuwang si Fr. Sadian na bahagi ng Diocese of San Pablo sa pangangasiwa ni Bishop Famadico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 16,791 total reads

 16,791 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 101,521 total reads

 101,521 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 195,852 total reads

 195,852 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 257,538 total reads

 257,538 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 302,533 total reads

 302,533 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top