Mensahe ni Bishop Alarcon sa National Youth Day 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,736 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na maging masigasig ang kabataan sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan.

Ito ang mensahe ni CBCP-ECY Chairman, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa pagdiriwang ng National Youth Day 2022 sa December 16.

Naniniwala ang opisyal na kinakailangan ng mga kabataan na makapag-angkop sa mabilis na pagbabago ng lipunan bunsod ng iba’t ibang dahilan.

“As we all celebrate the National Youth Day, our prayer and wish for all is that we may all have the agility to face and address the rapidly changing challenges, keeping our minds, hearts and spirit focused on the Lord Jesus, Who comes to rescue us.”pahayag ni Bishop Alarcon.

Hinimok ng obispo ang mga kabataan sa bansa na magtulungan sa mga programa ng simbahan lalo ngayong pinaghahandaan ang World Youth Day sa Agosto 2023 na gaganapin sa Lisbon Portugal.

Tiwala si Bishop Alarcon na tulad ng temang ‘Mary arose and went with haste’ na maging handa ang bawat kabataan na tumugon sa tawag ng pagmimisyon higit na sa kasalukuyang panahong marami ang hamong kinakaharap ng simbahang katolika at ng buong pamayanan.

Sinabi ni Bishop Alarcon na tulad ng Mahal na Ina nawa’y walang pag-alinlangan ang kabataang tumugon sa tawag ng paglilingkod sa iba’t ibang larangan para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

“Dear Young people, let us resist the temptation of self-absorption. May we not be simply concerned with self-preservation. Rather, let us look at the needs of others as our own.” ani Bishop Alarcon.

Ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Youth Day tuwing December 16 ang unang araw ng Simbang Gabi at Misa De Gallo, ang siyam na araw ng misa nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria bilang paghahanda sa Pasko ng Pagsilang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,550 total reads

 62,550 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,481 total reads

 141,481 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,926 total reads

 174,926 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,224 total reads

 210,224 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,224 total reads

 434,224 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top