Kahirapan at ang Pagasa ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total reads

Kapanalig, sa Christmas message ni Pope Francis noong nakaraang taon, inanyayahan niya tayo na pagnilayan ito: God did not choose to come into the world in grandeur, but as a humble child born into poverty.

Nakiisa ang Panginoong Hesus sa kahirapan na nararanasan ng mundo. Ang pakikiisa na ito ay napakahalaga sa ating daigdig ngayon. Halos lahat ng parte ng mundo ay hirap na makabangon mula sa pandemya. Maraming mga bansa ngayon ang nakakaranas na mataas na inflation, at naghahanda at nangangamba sa maaaring pagdating ng global recession.

Kapanalig, hindi madali ang buhay ngayon. Kahit sabihin pa na mataas ang employment rate ng ating bansa, kailangan natin suriin pa ito ng mas maigi. May trabaho nga ang mga mamamayan ngunit bitin pa rin ang sweldo. May trabaho nga ang tao pero karamihan ay sa impormal na sektor kung saan isang kahig isang tuka at walang social protection.

Ang pagtaas ng inflation at ang lumiliit na kita ng mga mamamayan ay mga hadlang sa tuloy tuloy na pag-usad ng pamilyang Pilipino pati na ng ekonomiya ng bayan. Ramdam na ito kapanalig – bumaba na nga ang average annual family income sa atin, mula P313,350 noong 2018 naging P307,190 na ito noong 2021. 23.71% na rin ng ating populasyon ang namumuhay sa ilalim ng national poverty line.

Kapanalig ang mga datos na ito ay hindi lamang mga numero – ito ay may katumbas na paghihirap sa pamilyang Pilipino. Sa bawat pagliit ng kita ng isang pamilya, kailangang may iwaglit o ikaltas na pangangailangan. Sa ating bansa, karaniwang pagkain ang unang binabawas sa budget. Kapag hindi na kaya, mayroon ng anak na titigil sa pag-aaral. Sunod na niyan kapanalig ay ang problema na sa kalusugan at access sa iba pang batayang pangangailangan. Hindi lamang kakaunting pamilya ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Milyon-milyon, kapanalig. Base sa opisyal na datos: 3.5 milyong Pilipino ang mahirap, at mahigit isang milyon ang nasa subsistence level, o halos walang makain.

Kaya’t ngayong kapaskuhan, kapanalig, kailangang mas madama ng mga Filipino ang pagasa. Kailangang mas madama natin na kasama natin si Hesus sa gitna ng lahat ng kahirapang ito. Maalala sana natin, gaya ng paalala ni Pope Francis sa kanyang Sunday Angelus Address noong Disyembre 2020 na sa halip na bumili na naman tayo ng pagkarami-raming regalo para sa ating mga kaibigan at kamag-anak, tayo naman ay kumilos para sa mga kapwa nating naghihirap at walang nakaka-alala. Kapag nagawa natin ito, kapanalig, kahit papaano, nakikiisa tayo sa sitwasyon ng marami nating kababayan, at makapagdala tayo ng kahit kaunting liwanag ng pagasa sa mga kababayang natin nagdarahop.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 32,751 total reads

 32,751 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 80,622 total reads

 80,622 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 184,570 total reads

 184,570 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 270,684 total reads

 270,684 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 339,182 total reads

 339,182 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Troublemaker

 32,752 total reads

 32,752 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 80,623 total reads

 80,623 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 270,685 total reads

 270,685 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »
Scroll to Top