Abot Kamay na Edukasyon para sa Bagong Taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,012 total reads

Mga kapanalig, marami ng pagbabagong nangyayari sa sektor ng edukasyon hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Nagbago na ang mga modes of learning, at naging mas flexible na ang mga paaralan, guro, at mga estudyante. Mas nasanay na sila sa pag-transisyon sa online at face-to-face classes.

Kaya lamang sa gitna ng mga positibong pagbabagong ito, may mga isyu pa rin na kailangan harapin ang ating bansa. Hindi lahat ng estudyante at pamilya sa ating bayan ang kayang sumabay sa mabilis na daloy ng pagbabago. Maraming mga estudyante pa rin ang naiwan. Tumaas ang bilang ng mga out-of-school youth sa ating bansa simula ng pandemic. Umabot ito ng 25.2% noong Abril 2020 kumpara sa 16.9% noong January 2020.

Marami ring mga pagbabago ang kailangan sa early childhood care sa ating bansa. Ayon sa UNICEF, kalahati lamang ng bilang ng batang may edad 3 to 4 years ang naka-enroll sa daycare. Bago man dumating ang pandemic, ang early childhood development ay nakakaligtaan sa ating education sector. Sana magbago ito, dahil ang early childhood care ay kritikal sa readiness o kahandaan ng mga bata sa pag-aaral. Ang mga batang nabibiyayaan ng dekalidad na early childhood care  ay mas bibo sa pag-aaral, at mas malaki ang pagkakataon at oportunidad na makakuha ng kasanayan na kailangan sa hinaharap.

Kailangan natin na matiyak na abot-kamay ang edukasyon para sa mga bata mula sa early childhood hanggang sa adolescence. Kung hindi natin magagawa ito, hindi tayo magiging handa sa susunod na yugto ng edukasyon pati ng job market sa buong mundo  – ang digitalization. Huli ng nga tayo, kapanalig, dahil sa maraming bahagi ng mundo, fully digital na ang mga transakyon, at ang e-commerce ay namamayagpag na.

Sa darating na bagong taon, marapat na tutukan ng pamahalaan ang mga paraan at programa upang maging mas accessible ang edukasyon para sa lahat. Maraming mga bata sa kalye ang hindi nakakapag-aral, kumakayod na lamang. Maraming mga bata sa mga probinsya ang nagsasaka na lamang dahil napakahaba ng oras ang kailangan nila gugulin para lamang makarating sa paaralan. Marami ring mga kabataan ang pumiling mag-asawa na sa murang edad dahil kulang ang motibasyon nila para mag-aral.

Hindi natin pwede sabihin kapanalig, na kasalanan ng mga bata kung bakit hindi sila nag-aaral – minors yan, at naka-depende sila sa atin para sa kanilang development o kasulungan. Kailangan natin silang ihanda para sa mas magandang kinabukasan. Kailangan nating tiyakin ang kanilang magandang kinabukasan.

Ayon sa Evangelii Gaudium, kasama sa ating dignidad bilang tao ang edukasyon. Sa pamamagitan nito, kasama ang kalusugan at trabaho, ay ating naihahayag at napapaibayo pa ang ating kagalingan at buhay. Umaasa tayo na ngayong 2023, lalo pa’t nakapakalaki ng budget ng Department of Education (DepEd), ay mas magiging madali at malawig pa ang equitable access to quality education sa ating bansa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,571 total reads

 6,571 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,836 total reads

 19,836 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,397 total reads

 60,397 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,395 total reads

 87,395 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,660 total reads

 135,660 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,847 total reads

 156,847 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,837 total reads

 19,837 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,398 total reads

 60,398 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,396 total reads

 87,396 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top