Caritas Philippines, umaapela ng tulong para sa mga nasalanta ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,799 total reads

Umaapela ang social action at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayang nasalanta ng pagbaha sa Misamis Occidental.

Sa mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines sa Veritas Patrol, inihayag ng Obispo na batay sa isinagawang Rapid Needs Assessment ng Caritas Philippines katuwang ang Social Action Center ng Diocese of Ozamis na nangangailangan ang mga nasa evacuation center ng tubig, hygiene kits at pagkain.

“Ang Caritas Philippines po ay nananawagan patungkol sa ating mga kapatid na nasalanta ng bagyo, landslides, at flashfloods sa Diocese of Ozamis, marami po ang nasa evacuation centers ngayon at kailangan po nila ang ating mga tulong lalong lalo na yung mga basic needs nila tubig, yung mga hygiene na kailangan nila sa mga evacuation centers.”panawagan ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, maaaring magpaabot ng tulong pinansyal sa Caritas Philippines at mga parokya sa Archdiocese of Ozamis ang mga nagnanais na makatulong.

Hinikayat naman ni Bishop Bagaforo ang mga nasa Mindanao na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng baha.

Sinabi ng Obispo na bukod sa cash ay kinakailangan din ng evacuees ang pagkain, tubig, gamot, damit, gamit panluto, at mga gamit pantulog gaya na lamang ng mga kumot, unan at banig.

Ipinaalala ng Obispo na higit na napapanahon ngayong pasko ang pagbibigayan at pagtutulungan lalo na para sa mga mamamayang dumaranas ng pagdurusa sa ating bansa.

Una ng tiniyak ni Bishop Bagaforo ang pagtugon ng social action arm ng Simbahan sa kalagayan ng mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,947 total reads

 14,947 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,805 total reads

 99,805 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 194,136 total reads

 194,136 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,822 total reads

 255,822 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,973 total reads

 300,973 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top