Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Archdiocese of Cagayan De Oro, dinagsa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,714 total reads

Tinatayang umabot sa 10,000 mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang nakibahagi sa isinagawang Traslacion ng Archdiocese of Cagayan de Oro sa Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno matapos masuspendi ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Hinahangaan ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ang debosyon ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na hindi alintana ang ulan sa prusisyon ng imahen patungo sa Jesus Nazareno Parish – Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene sa Cagayan de Oro City.

“Here in our archdiocese we have our Traslacion and you know it was really raining since yesterday but people still continue to flock to the Traslacion this early morning to our surprise, people also observe this as they approached the Church of Nazareno the rain also stop, they said this is usual condition whenever we have the Pista of Nazareno. We can see here the faith of the people the real devotion to Jesus of the Black Nazarene.” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Arsobispo, may kaibahan ang paraan ng Traslacion sa arkidiyosesis kumpara sa nakagawiang tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila.

Paliwanag ni Archbishop Cabantan, ang taunang Traslacion na isinasagawa sa Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ay maihahalintulad sa karaniwang prosisyon tulad ng isinagawang Walk of Faith ngayong taon ng Quiapo Church matapos ang pagsasagawa ng Banal na Eukaristiya.

Ayon sa Arsobispo, mahalagang maunawaan ng bawat isa ang tunay na diwa ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagsisilbing paalala sa pagkakatawang tao ng bugtong na anak ng Diyos upang personal na maranasan at maunawaan ang buhay sa daigdig.

Pagbabahagi ni Archbishop Cabantan, ang imahen ng Poong Hesus Nazareno ay isa ring paalala na walang sinuman ang nag-iisa sa pagharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay.

“With this devotion to the Black Nazarene we can really glorify God because He has really identified with us, He’s really with us as Emmanuel that we have celebrated during Christmas, and also in our sufferings and our difficulties, we are not alone Jesus is also with us carrying our crosses, so we are not just carrying our crosses alone but it is always with Jesus and with Jesus carrying our crosses then we can also overcome our crosses and difficulties, our trials in life.” Ayon pa kay Archbishop Cabantan.

Itinuturing namang hamon ni Archbishop Cabantan ang ipagkilala na ang Archdiocese of Cagayan de Oro ang nagsisilbing sentro ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Mindanao.

“We really welcome that observation [being center for the Black Nazarene devotion in the southern Philippines] and we have to also to continue not just to promote the devotion but above all the meaning of that devotion to make this concrete also in our lives that like Him we can also carry our crosses together for you know in God’s purpose.” Dagdag pa ni Archbishop Cabantan.

Ipinagkaloob ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang pilgrim image ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Archdiocese of Cagayan de Oro noong January 5, 2009 na dinala sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral kung saan sa parehong taon din naganap ang kauna-unahang Black Nazarene procession sa Northern Mindanao.

Sa katatapos na kauna-unahang “walk of faith” na isinagawa mula Quirino grandstand sa Rizal Park patungong Quiapo church ay tinatayang 90, 000 deboto ang nakiisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 77,594 total reads

 77,594 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 109,323 total reads

 109,323 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 211,149 total reads

 211,149 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 251,708 total reads

 251,708 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 269,021 total reads

 269,021 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 54,056 total reads

 54,056 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top