Isapuso, isabuhay ang pagiging deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,742 total reads

Hinikayat ng rector ng Quiapo church na si Fr. Rufino Sescon, Jr. ang mga mananampalataya at deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na patuloy na isapuso at isabuhay ang pagiging mapagpakumbaba at mabuting tagasunod ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Fr. Sescon, rektor at kura paroko ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa ginanap na Midnight Mass bago ang Walk of Faith noong ika-8 ng Enero.

Ayon sa pari, hindi dapat magpalinlang ang tao sa mga makamundong bagay na nagiging dahilan upang maging mapagmataas sa kapwa at makalimutan ang pagiging mabuting tagasunod ng Panginoon.

Sinabi ni Fr. Sescon na matatagpuan at makakamtan lamang ng tao ang biyaya mula sa Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pagtalima sa Kanyang mga kaloob sa sanlibutan.

“Kung nais mong matagpuan ang Diyos, tumingala ka sa kanya. Hindi tayo titingin sa mundo, hindi tayo titingin kung kani-kanino… Ang taong tumitingala, mapagkumbaba. Sapagkat inaamin niya, may Diyos na dakila. Nandyan si Jesus Nazareno.” bahagi ng pagninilay ni Fr. Sescon.

Tagubilin naman ni Fr. Sescon sa mga deboto ng Mahal na Poong Jesus Nazareno na patuloy lamang tanawin at sundan ang liwanag na taglay ni Kristo at simulan nang talikuran ang mga makamundong bagay upang makamtan ang kaluwalhatian ng langit.

“Higit pa sa sapat ang biyaya ni Hesus Nazareno. Kaya kailangan nating tumalikod. Mabigat ang kasalanan, pahirap ang kasamaan, sumpa ang kasinungalingan, katiwalian, karahasan, kawalan ng katarungan, hidwaan, kabastusan, gantihan–ang mga ito’y dapat nating iwan upang makapaglakbay tayo nang maayos patungo kay Jesus Nazareno.” ayon kay Fr. Sescon.

UNDAS 2026, generally peaceful

 34,926 total reads

 34,926 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 12,009 total reads

 12,009 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 60,762 total reads

 60,762 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 110,513 total reads

 110,513 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 269,711 total reads

 269,711 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 296,352 total reads

 296,352 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 186,962 total reads

 186,962 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top