1,938 total views
Tinatayang umabot sa 10,000 mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang nakibahagi sa isinagawang Traslacion ng Archdiocese of Cagayan de Oro sa Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno matapos masuspendi ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Hinahangaan ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ang debosyon ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na hindi alintana ang ulan sa prusisyon ng imahen patungo sa Jesus Nazareno Parish – Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene sa Cagayan de Oro City.
“Here in our archdiocese we have our Traslacion and you know it was really raining since yesterday but people still continue to flock to the Traslacion this early morning to our surprise, people also observe this as they approached the Church of Nazareno the rain also stop, they said this is usual condition whenever we have the Pista of Nazareno. We can see here the faith of the people the real devotion to Jesus of the Black Nazarene.” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.
Pagbabahagi ng Arsobispo, may kaibahan ang paraan ng Traslacion sa arkidiyosesis kumpara sa nakagawiang tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila.
Paliwanag ni Archbishop Cabantan, ang taunang Traslacion na isinasagawa sa Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ay maihahalintulad sa karaniwang prosisyon tulad ng isinagawang Walk of Faith ngayong taon ng Quiapo Church matapos ang pagsasagawa ng Banal na Eukaristiya.
Ayon sa Arsobispo, mahalagang maunawaan ng bawat isa ang tunay na diwa ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno na nagsisilbing paalala sa pagkakatawang tao ng bugtong na anak ng Diyos upang personal na maranasan at maunawaan ang buhay sa daigdig.
Pagbabahagi ni Archbishop Cabantan, ang imahen ng Poong Hesus Nazareno ay isa ring paalala na walang sinuman ang nag-iisa sa pagharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay.
“With this devotion to the Black Nazarene we can really glorify God because He has really identified with us, He’s really with us as Emmanuel that we have celebrated during Christmas, and also in our sufferings and our difficulties, we are not alone Jesus is also with us carrying our crosses, so we are not just carrying our crosses alone but it is always with Jesus and with Jesus carrying our crosses then we can also overcome our crosses and difficulties, our trials in life.” Ayon pa kay Archbishop Cabantan.
Itinuturing namang hamon ni Archbishop Cabantan ang ipagkilala na ang Archdiocese of Cagayan de Oro ang nagsisilbing sentro ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Mindanao.
“We really welcome that observation [being center for the Black Nazarene devotion in the southern Philippines] and we have to also to continue not just to promote the devotion but above all the meaning of that devotion to make this concrete also in our lives that like Him we can also carry our crosses together for you know in God’s purpose.” Dagdag pa ni Archbishop Cabantan.
Ipinagkaloob ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang pilgrim image ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Archdiocese of Cagayan de Oro noong January 5, 2009 na dinala sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral kung saan sa parehong taon din naganap ang kauna-unahang Black Nazarene procession sa Northern Mindanao.
Sa katatapos na kauna-unahang “walk of faith” na isinagawa mula Quirino grandstand sa Rizal Park patungong Quiapo church ay tinatayang 90, 000 deboto ang nakiisa.