“Walk of faith” ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno, pinuri ng OPNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,853 total reads

Pinuri ng Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila ang hakbang ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagdiriwang ng kapistahan ng poon lalo na ang isinagawang Walk of Faith.

Ayon kay OPNE Director Fr. Jayson Laguerta, natatangi ang pagdiriwang ng Nazareno 2023 sapagkat nakatuon ito kay Hesus.

Kinilala ng pari ang pagiging malikhain ng mga namumuno sa basilica upang mabigyang pagkakataon ang mga deboto na muling maipagdiwang ang pista sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya sa lipunan.

“Nakakatuwa na naging malikhain ang pamunuan ng Basilica ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa pangunguna ni Fr. [Rufino] Jun [Sescon], nag-isip sila ng mga pamamaraan para yung karanasan pa rin ng Traslacion at paglalakbay ay maiparamdam pa rin sa mga deboto, ang Walk of Faith. “ pahayag ni Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Fr. Laguerta na ang pagprusisyon kahit wala ang imahe ng Poong Nazareno ay isang malalim na halimbawa ng matatag na pananampalataya.

Naniniwala ang opisyal na ang pundasyon sa isinagawang Walk of Faith ng Quiapo church ay ang sipi ni San Pablo na ‘We walk by faith and not by sight’.

Batid ng pari na sa buhay paglalakbay ay marami ang karanasang maaring matatagpuan lalo na ang paglalakbay bilang mananampalataya na nahaharap sa iba’t ibang uri ng hamon.

Natitiyak ni Fr. Laguerta na ang pakikiisa sa halos 100, 000 deboto sa Walk of Faith ay bunga ng malalim na debosyon at pananalig sa Panginoon.

“Naging napakalakas at malalim na pahayag ang Walk of Faith; yun ang pinakamaganda sa Nazareno 2023 na nakatuon tayo kay Hesus na hindi man natin kasama sa Traslacion pero kalakbay natin sa ating paglalakad at paglalakbay sa buhay.” ani Fr. Laguerta.

January 8 nang isagawa ng Quiapo church sa kauna-unahang pagkakataon ang Walk of Faith bilang pagdiriwang sa Pista ng Poong Hesus Nazareno.
Kasabay nito ang pagsasagawa ng ‘Pagpupugay’ sa Quirino Grandstand sa halip na isagawa ang tradisyunal na pahalik sa imahe.

Naglaan din ang Basilica ng 33 Misa para sa kapistahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 109,701 total reads

 109,701 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 195,083 total reads

 195,083 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 258,921 total reads

 258,921 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 339,298 total reads

 339,298 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 417,100 total reads

 417,100 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top