Pagmalakasakitan ang kapwa, hamon sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,512 total reads

Paigtingin ang paglilingkod sa kapwa katulad ng naging paglilingkod ng Panginoong Hesus Kristo sa sangkatauhan.

Ito ang paghihimok sa mananampalataya ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Nawa ayon sa Obispo ay gawing halimbawa at inspirasyon ng bawat mananampalataya si Hesus upang makatulong sa kapwa higit na para sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“Tayo na ang magmalasakit, ang magpakasakit at hindi tayo ang mananakit sa iba. Tayo na ang maglilingkod, at hindi tayo ang paglilingkuran. Tayo na ang magbibigay, at hindi ang makakabigat o pahirap sa iba. At ganyan ang pagiging tunay na deboto,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Santos.

Ang mensahe at panalangin ni Bishop Santos para sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ay para rin sa ikabubuti ng kalagayan ng ekonomiya.

Sa pagsisimula ng 2023 ay naitala ang muling pagtaas ng inflation rate na umabot sa 8.1% na higit ng pinababa ang halaga ng kita ng mga manggagawa.

“Higit natin nakikita ang atin mga sarili sa katauhan ng Señor Nazareno. Siya ay nagpasakit, naglingkod at nagligtas. Tayo bilang mga Pilipino nararapat isabuhay ang ginawa ng mahal na Señor Nazareno,” ayon pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Kaugnay sa paglilingkod sa kapwa ay patuloy din ang Caritas Manila sa pangunguna sa mga inisyatibo o programang magpapabuti sa kalagayan ng mahihirap maging ng mga nasasalanta ng kalamidad.

Kamakailan lang ay nagpadala ang Social Arm ng Archdiocese of Manila ng 200-libong piso sa Arkidiyosesis ng Ozamis matapos bahain ang Misamis Occidental ng dahil sa malalakas na pag-ulan noong huling linggo ng Disyembre 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 79,161 total reads

 79,161 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 110,890 total reads

 110,890 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 212,716 total reads

 212,716 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 253,275 total reads

 253,275 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 270,501 total reads

 270,501 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 1,579 total reads

 1,579 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top