Ipagdasal ang mga “heroes of education”, panawagan ni Bishop Presto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,541 total reads

Tungkulin ng bawat mamamayan na maging bahagi sa pagpapabuti at paglago ng sektor ng edukasyon.

Ito ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis (CBCP-ECCCE) sa paggunita sa January 24 ng International Day of Education.

Ayon kay San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto,vice-chairman ng CBCP-ECCCE, bukod sa mga guro at iba pang kabilang sa sektor ng edukasyon ay tungkulin rin ng mga magulang na maging bahagi sa mabuting paglilinang sa mga kabataang mag-aaral.

“Kaya itong January 24, pagpapaalala lang sa atin sa kahalagahan ng edukasyon at ang tungkulin ng bawat isa lalo’t higit na yung mga civil society groups and many others na magtulungan lalo’t higit na yung mga mahihirap na nasa kalagayan ng buhay na makapag-aral ang mga bata at makapagtapos ng pag-aaral hanggang high school man lang sana, kaya’t ipagdasal natin yung mga tinatawag natin heroes for education.”bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Sa araw ng paggunita, inalala rin ng Obispo ang pagbibigay ng oportunidad sa mga matatandang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Kasabay ito ng paalala ng higit na pakikiisa sa mga mahihirap na mag-aaral at sa mga naninirahan sa malalayong kanayunan.

“Mayroon mga heroes na tinatawag na guro na nagtuturo sa malalayong lugar binibigyan ng extra time para matulungan ang mga bata, mayroon din yung mga parang teachers, hindi man sila professionals, ngunit tumutulong sila sa mga nasa malalayong lugar upang makamit ng mga bata at kabataan ang education, ipagdasal natin ang layunin ng pagdiriwang ng World Day of Education na maging successful.”ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Paalala ng Obispo ang patuloy na pagtataguyod sa 17-Sustainable Development Growth for Education na iminungkahi ng United Nations upang higit na mapalago ng bawat bansa ang kani-kanilang sektor ng edukasyon.

Ito na ang ika-limang taon ng paggunita ng International Day of Education na sinimulan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2018 upang bigyan ng karagdagang atensyon ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,588 total reads

 6,588 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,868 total reads

 19,868 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,429 total reads

 60,429 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,426 total reads

 87,426 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,691 total reads

 135,691 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,878 total reads

 156,878 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 23,365 total reads

 23,365 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top