Katotohanan ang pundasyon ng demokrasya

SHARE THE TRUTH

 1,294 total views

Mga Kapanalig, sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (o SWS) na ginawa noong Disyembre 2022, siyam sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing nasisiyahan o satisfied sila sa kasalukuyang lagay ng demokrasya dito sa ating bansa. Anim sa bawat 10 Pilipino naman ang nagsabing lagi nilang pipiliin ang demokrasya kaysa sa pamamahalang authoritarian o nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan.

Ano nga ba ang demokrasya? Ano nga ba ang halaga ng mataas na satisfaction ng mga Pilipino sa demokrasya? 

Madalas na ginagamit ang “government by the people” bilang kahulugan ng demokrasya. Dito sa Pilipinas, binibigyan tayo ng kalayaang bumoto ng nais nating maging lider mula sa ating barangay hanggang sa pangulo ng bansa. Ngunit hindi lamang tuwing eleksyon may demokrasya. Araw-araw na pinoprotektahan ang karapatan ng bawat isa sa atin—bata man o matanda, mayaman man o mahirap, babae man o lalaki o anuman ang kaniyang kasarian—dahil tayo ay isang demokrasya. May mga paraan din ang mga taong makilahok sa iba’t ibang proseso ng pamamahala o governance. Kaya nga “government by the people”, pamamahala ng mga mamamayan. Mahalaga ang ambag ng bawat isa sa atin sa pagpapanatili ng demokrasya.  

Ngunit ang ating pakikilahok o partisipasyon ay dapat nakabatay sa wasto at tamang impormasyon. Saan ba kumukuha ng impormasyon ang marami sa atin?  

Ayon sa 2023 Global Digital Report ng We Are Social, 56% ng mga gumagamit ng internet sa ating bansa—ang mga nasa edad 16 hanggang 64—ay nanonood ng vlogs (o mga video blogs). Naglalaan ng tinatayang siyam na oras at labing-apat na minuto sa internet ang mga Pilipino bawat araw. At kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming gumagamit ng social media. 

Mahalagang malaman ang mga datos na ito. Gaya ng sinasabi sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, kung hindi natin alam ang totoo, mawawalan ng pundasyon ang ating pagiging malaya, na pinahahalagahan sa isang demokratikong bansa. Tayo ay madaling mamamanipula, alam man natin o hindi.

Ang mga binanggit nating datos ay makapagbibigay sa atin ng ideya kung saan nga ba nanggagaling ang mga impormasyon ng mga Pilipino na siyang batayan ng ating mga ginagawa at pagpapasya. Suriin natin: mapagkakatiwalaan ba ang mga vlogs na pinapanood ng mga Pilipino? Paano kung ang mga ito ay nagpapakalat ng maling impormasyon o fake news? Paano natin ito lalabanan?  

Magagamit din ang mga datos na ito ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon, gaya ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao, upang tukuyin ang pinakamainam na istratehiya upang magpalaganap ng tamang kaalaman. Maaari ding makatutulong ang mga ito upang mapaigting ng pamahalaan at mga internet service providers ang seguridad ng bawat Pilipinong gumagamit ng internet, lalo na ang mga batang madalas nabibiktima ng karahasan online. Iba’t iba ang maaaring pakinabang ng kaalaman kung saan nagmumula ang impormasyon ng mga Pilipino. Mahalagang kilalanin nating ang pagkakaroon ng iba’t ibang sources o pagkukunan ng tamang impormasyon ay ating karapatan na itinataguyod ng ating demokrasya. Ngunit kapag kasinungalingan ang umiiral sa ating lipunan at ginagamit itong instrumento ng mga ganid sa kapangyarihan, masasabi nga ba nating tunay ang demokrasyang ating pinahahalagahan? 

Mga Kapanalig, kung totoong nasisiyahan ang mga Pilipino sa demokrasya, maging pagkakataon sana ito upang palakasin pa lalo ang pagtataguyod sa katotohanan at paglaban sa maling impormasyon. Maging mapanuri tayo sa mga kinokonsumo natin online, vlogs man yan, balita, o social media posts. Sabi nga sa Mga Kawikaan 4:24, “ilayo ang mga labi sa kasinungalingan.” Katotohanan ang pundasyon ng demokrasya, at kung pinahahalagahan natin ang demokrasya, huwag nating hayaang bulagin tayo ng kasinungalingan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 7,074 total views

 7,074 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 11,319 total views

 11,319 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 18,234 total views

 18,234 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 33,612 total views

 33,612 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 46,036 total views

 46,036 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 7,075 total views

 7,075 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 11,320 total views

 11,320 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 18,235 total views

 18,235 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 33,613 total views

 33,613 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 46,037 total views

 46,037 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 56,128 total views

 56,128 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 57,334 total views

 57,334 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 67,325 total views

 67,325 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 52,710 total views

 52,710 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 67,469 total views

 67,469 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 57,963 total views

 57,963 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 77,360 total views

 77,360 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 88,475 total views

 88,475 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 92,396 total views

 92,396 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 75,323 total views

 75,323 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top