“Culture of vigilantism” sa Pilipinas, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,691 total views

Muling nagpahayag ng pagkundina ang Commission on Human Rights (CHR) sa patuloy na pag-iral ng ‘culture of vigilantism’ sa bansa.

Ayon sa Komisyon sa Karapatang Pantao sa Pilipinas, hindi katanggap-tanggap ang paglalagay ng batas sa sariling mga kamay kung saan naisasantabi ang mga karapatan at dignidad ng kapwa.

Ipinaliwanag ng CHR na kinakailangang dumaan sa naaangkop na proseso ng batas ang lahat ng mga nasasakdal sa anumang kasalanan na naglalayong magkaroon ng tamang paglilitis at pagpapataw ng kaukulang kaparusahan.

“CHR denounces this culture of vigilantism, including any attempt to subdue the rule of law and other human rights, such as the right to due process and right to life, liberty, and security.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.

Ang pahayag ng komisyon ay kaugnay sa natagpuang mga putol na kamay ng hindi pa nakikilang biktima sa Bacolod City noong ika-26 ng Enero, 2023 kung saan kalakip ng pinaglalagyan ng mga ito ang isang papel na mayroong listahan ng mga pangalan ng dating drug crime offenders, mga napalaya sa pamamagitan ng parol, mga nasa ilalim pa ng probation at mga nakatakdang sumailalim sa drug rehabilitation.

Nasasaad din sa naturang listahan ng mga pangalan ang isang babala ng karahasan.

“The Commission on Human Rights (CHR) condemns the mutilation of a missing unknown victim whose severed hands were discovered in a trash bag found in Bacolod City on Thursday, 26 January 2023.The hands were sealed in an ice cream container containing a note listing the names of several residents of Barangay 2, Bacolod City, some of whom were former offenders of drug crimes or released on parole and probation, while others are scheduled to undergo drug rehabilitation. The note included a threat saying, “Lahat kayo kung hindi titigil, raffle lang ito (If everybody won’t stop, this is just a random pick).”Dagdag pa ng CHR.

Nagsasagawa na ang CHR Region VI ng independent motu proprio investigation sa nasabing kaso.

Binigyang diin naman ng CHR na bagamat buo ang suporta ng kumisyon sa patuloy na mga programa at inisyatibo upang mawakasan na ang talamak na kalakalan ng ilegal na droga sa bansa ay nananatili naman ang panawagan at paninindigan ng kumisyon sa nararapat na pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat isa.

Kaugnay nito, umaasa ang CHR na mas maging epektibo, mapayapa at makatao ang panibagong programa ng pamahalaan laban sa ilegal na droga na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan or BIDA program”.

Matatandaaang, una nang nagpahayag ng pangamba ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay ng paglaganap ng vigilantism sa bansa partikular na sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 49,885 total views

 49,885 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 73,037 total views

 73,037 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 143,151 total views

 143,151 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 217,765 total views

 217,765 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 294,192 total views

 294,192 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 7,164 total views

 7,164 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top