Zambaleno, umaasang di maapektuhan ang mga mangingisda sa Panatag Shoal bilang marine sanctuary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang residente ng Zambales dahil hindi nila tiyak kung makabubuti ba o makasasama kung matutuloy ang pagdedeklara sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc bilang fish sanctuary.

Ayon kay Jo Ignacio Vice Chairperson ng Defend Zambales, makabubuti ang hakbang na ito para bigyang diin ang soberanya ng Pilipinas.

Gayunman, nais nilang matiyak na sa kabila ng gagawing deklarasyon ay hindi maaapektuhan ang maliliit na mangingisdang umaasa lamang sa karagatan bilang kanilang pangunahing pinagkakabuhayan.

“Pag idineklara natin ito [Bajo de Masinloc] pinagbibigyang diin lamang nito na ito ay atin, ibig sabihin meron tayong soberenya. Meron tayong mariing pag-aangkin sa ating teritoryo na sinusugan naman ng international Tribunal,” pahayag ni Ignacio sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Ignacio, mabuti rin ito dahil mas mapangangalagaan ng Pilipinas ang karagatan laban sa mga pagkasirang idinudulot ng mga construction at reclamations na isinasagawa ng China.

Gayunman, hindi pa tiyak para sa mga residente kung ano ang kahihinatnan ng kanilang kabuhayan kung maidedeklara nga bilang Marine Sanctuary ang Lagoon sa loob ng Panatag Shoal.

“Pag sinabi nating pagdevelop ng fish sanctuary makikita natin na ito ay may positibong dulot dahil mapapangalagaan ang ating karagatan. Ngunit sa isang banda rin sana ay makita ang pangangailangan ng maliliit na mangingisda sapagkat matagal silang nabinbin sa paghahanap ng hanapbuhay sa ating teritoryo at ngayon gagawin itong isang fish sanctuary, hindi pa namin gaanong alam kung magkakaron pa ng kalayaang mangisda ang mga maliliit,” dagdag ni Ignacio.

Magugunitang, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano nitong maglabas ng Executive Order na mag dedeklara sa lagoon na nasaloob ng 150 km2 Panatag Shoal bilang Marine Sanctuary.

Sang-ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, positibo ang tugon ng China sa plano ni President Duterte na pagpapaigting ng pangangalaga sa karagatan ng Panatag Shoal.

Samantala, ayon kay Fr. John Mara, Social Action Director ng Diocese of Iba, Zambales, ay pinag-aaralan pa rin ng Diocese ang mga posibleng epekto ng Marine Sanctuary sa mga residente.

Gayunman, iginiit pa rin nito na anumang desisyon ay dapat na makabubuti para sa nakararami at hindi lamang para sa interes ng iilang makikinabang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,495 total reads

 43,495 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,524 total reads

 93,524 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,395 total reads

 141,395 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,344 total reads

 245,344 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,232 total reads

 329,232 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,795 total reads

 41,795 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,675 total reads

 34,675 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top