Paglalabas ng Fire Safety Certificates ng BFP, pinamamadali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Hinamon ni Department on Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang Bureau of Fire Protection na pabilisin ang paglalabas ng mga Fire Safety Inspection Certificates at Fire Safety Evaluation Clearances sa mga business establishments sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, kinakailangang umisip ng BFP ng mga makabagong istratehiya kung paano nila mapabibilis ang proseso ng pag-iinspeksyon at paglalabas ng clearance at certificates.

“We don’t want the fire bureau to be exercising the old traditional practices, we are encouraging you to be innovative, yong bago, for the good of the public.Pagbabago ang dapat dito sa BFP,” pahayag ni Secretary Sueno.

Gayunman ayon kay Sec. Sueno, sa kabila ng mabilis na proseso ay mahalagang mapanatili ng BFP ang kalidad ng kanilang trabaho at matiyak na ligtas ang mga establisyimento.

“Think of innovations, be creative, kung ano pa ang maganda na gagawin ng fire bureau para mapabilis ang issuance ng fire safety inspection certificates (FSIC) and fire safety evaluation clearances (FSEC) without compromising the safety of our people,” dagdag pa nito.

Isa sa nakitang suliranin ni Secretary Sueno sa mabagal na pagkilos ng kawanihan ang kakulangan nito sa tao lalo na at maraming business establishments sa Metro Manila na kinakailangang masuri.

Sinabi naman ng Kalihim na kung magagawa ng BFP na mapabilis ang kinakailangang proseso ay mas uusbong ang mga negosyo at magbubunga ng maganda ang ekonomiya ng Pilipinas.

Samantala binalaan naman nito ang BFP na tigilan na ang pagbebenta ng mga Fire Extinguisher, at bigyan ng maayos na serbisyong walang pinapaboran ang mga business investors.

Ayon nga sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, kinakailangang unahin ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami higit sa mga pansariling interes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 42,111 total reads

 42,111 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 79,720 total reads

 79,720 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 115,017 total reads

 115,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 341,287 total reads

 341,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 232,195 total reads

 232,195 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,272 total reads

 36,272 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,163 total reads

 29,163 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top