Imbakan ng relief goods, itatayo ng Diocese of Romblon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total reads

Nais ng Diocese of Romblon na palakasin pa ang kanilang kahandaan sa mga kalamidad sa mga susunod na taon.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Magro, Social Action Director ng Diocese, hangad niya na makapagtayo ng warehouse at makapag-imbak ng mga relief goods sa kanilang mga isla kung saan agad itong magagamit kapag kinailangan ng relief operation matapos ang pagdaan ng isang kalamidad.

Aminado si Fr. Magro na suliranin para sa kanila ang pagdadala ng mga relief goods dahil na rin sa pagkakalayo-layo ng mga isla sa mismong bayan at kawalan ng sapat na kapasidad sa transportasyon.

Sinabi ng Pari na nais din nilang masolusyunan ang problema sa komunikasyon kung saan hirap siya na makipag-ugnayan sa mga kura-paroko kapag mayroon pananalasa ng bagyo.

“Meron na ako dito na Satt. Phone galing sa NASSA [Caritas Philippines] pero hindi ko din naman ma-contact ang mga Parish Priest kasi sila wala din silang signal, kaya sana magkaroon kami ng komunikasyon sa kanila through radio para kahit walang signal in times of calamity we can contact them,”pahayag ni Fr. Magro.

Sa kasalukuyan ay kumikilos na ang Social Action ng diocese of Romblon upang makapaghanap ng suporta sa kanilang binabalak na proyekto at pagpapalakas ng kahandaan sa kalamidad.

“Im trying to look for funding para mapalakas ang aming Disaster preparedness and response, we hope that through Radio Veritas makahanap tayo ng mag-fund para magawa natin ito,” dagdag ni Fr. Magro.

Magugunitang ang Diocese of Romblon ay isa sa mga labis na napinsala ng bagyong Nona noong Disyembre ng taong 2015.

Tinatayang umabot sa 4 na libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa naturang lalawigan kung saan tumugon naman ang Simbahang katolika sa pamamagitan ng pagbabahagi ng relief goods at pagtataguyod ng mga proyekto para maipatayo ang kanilang mga nasirang bahay at magkaroon ng kabuhayan ang mga residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 39,998 total reads

 39,998 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 77,683 total reads

 77,683 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 112,980 total reads

 112,980 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,250 total reads

 339,250 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,219 total reads

 230,219 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,328 total reads

 111,328 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top