Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 380 total views

Homiliya para sa Ika-5 Linggo ng Pagkabuhay, Mayo 7, 2023, Juan 14:1-12

Isa daw sa pinakamalakas magpaikli sa buhay ng tao ay pagwo-worry o pagkabalisa. Ito raw and pinaka-common na klase ng mental health issue na nararanasan ng lahat ng tao sa buong mundo. Ang madalas gamitin na technical term para dito sa Ingles ay ANXIETY DISORDER, o kawalan ng panloob na katiwasayan. Iyun bang hindi makatulog, di-makakain, di-makatrabahong mabuti, walang kapanatagan, laging parang balisa o ninenerbyos na baka may mangyaring masama. At ang pinaka-common form daw ng anxiety ay SEPARATION ANXIETY (takot na mawalay).

Ang madalas daw na pagmulan ng anxiety o pagkabalisa ay pagkatakot sa kamatayan, lalo na pag nagkakasakit na ang tao o nagkakaedad, o nakakaranas na ng “life-threatening situations” o mga karanasan ng pagkakalagay sa bingit ng panganib. Dahil ang buhay natin ay nakakabit sa buhay ng ibang tao, natatakot tayong mawalay. Naitatanong natin, “Paano na lang kami, pag nawala ka? Paano na lang kayo pag nauna na ako?”

Lahat daw ng tao ay may ganitong klase ng pagkabalisa, dahil para sa ating lahat, ang buhay sa mundo ay nagsimula sa pagkawalay natin sa buhay sa sinapupunan. Dati kasi tayong nakakabit o nakarugtong sa nanay, napatid tayo sa pusod nang tayo ay isilang. Kaya siguro may tendency tayong mangunyapit o kumapit nang mahigpit. Itong ganitong pangamba ang madalas magdulot ng insecurity sa atin. Takot tayong bumitiw, baka kasi tayo maiwan, o mawalay.

May kakilala ako, naging traumatic sa kanya ang pag-alis ng tatay niya. Kasama siyang naghatid sa airport, ayaw bumitaw. Nagkatotoo pa naman ang kinatatakutan niya. Sa ibang bansa, nagkaroon ng ibang pamilya ang tatay niya at hindi na umuwi. Kaya malakas ang kanyang separation anxiety. Madalas daw niyang mapanaginipan na parang iniwan siya, para siyang pusang iniligaw.

Pagnilayan natin ang paraan ni Hesus ng pagtugon sa pagkabalisa ng kanyang mga alagad, ayon sa ebanghelyo. Una: ang pagkabalisa ni Tomas. Parang ganito ang dating ng sinasabi ni Tomas sa unang bahagi ng ebanghelyo.

“Mauuna ka sa amin? Susunod kami? Baka maligaw kami! Baka malihis kami ng landas. Baka magkalayo tayo at hindi na magkitang muli. Ituro mo sa amin ang daan!” At ang sagot ni Jesus ay ganito, “Hindi ko lang ituturovang daan; sasamahan ko kayo.”

Kaya big word ngayon ang salitang ACCOMPANIMENT. Kahit kasi inexplain na sa atin ang daan, pwede nating makalimutan. O kahit meron nang hawak na mapa papunta sa pupuntahan, pwede pang maligaw ang tao. Ang waze nga pumapalpak din kapag walang signal at hindi makapag-recalculate.

Iba ang feeling pag sinabihan ka—“Don’t worry sasamahan na kita.” Iba ang feeling na may kasama ka, kaantabay, kaagapay. Sa piling ng ating mga mahal sa buhay, panatag ang loob natin. Ganoon ang pagiging alagad—iyung panatag ang loob mo sa piling ni Hesus. At napapanatag din ang loob ng iba sa pamamagitan mo, dahil ramdam sa iyo ang Panginoong nakikilakbay sa atin.

Kaya pala hindi sinabi ni Hesus “Ituturo ko sa iyo ang daan, katotohanan at buhay.” Ang sabi niya, “Ako ang daan, katotohanan, at buhay.” Walang dahilan para ikaw ay mabalisa kung kasama mo ako. Sa piling niya, ang kaharian ng Diyos ay narito na. Mararanasan na, hindi bukas kundi ngayon na.

Sa unang pagbasa may problema daw sa community na ipinaabot sa mga apostol. May napapabayaan; may nagugutom at may nalalamangan. Hindi ito ipinagwalang-bahala ng mga apostol. Hindi nila sinabing maaayos din iyan sa wakas ng panahon. Anong wakas? Ayusin natin ngayon na. Basta’t may magagawa, gawin ito ngayon na, huwag ipagpabukas. Kaya humirang sila ng mga diyakono na mangangasiwa at tutugon sa mga pangangailangan.

Hindi kailangang maghintay ng kabilang buhay upang maranasan ang paghahari ng Diyos. Pwede nating isabuhay ang buhay sa mundo sa paraang sumasaatin na ang kaharian at sinusunod ang kalooban ng Diyos, upang ang dito sa lupa ay para nang sa langit. Ito rin ang sinasabi ng ating ikalawang pagbasa sa sulat ni San Pedro, “na tayo’y maging mga buhay na batong na pinagsama-sama upang bumuo ng isang templo, isang pagkaparing nag-aalay ng mga sakripisyong katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni HesuKristo.” Sa madaling salita, kay Kristo bilang ating panulukang bato, ang bukas ay nagiging ngayon na.

Sa pangalawang bahagi ng ebanghelyo, tututukan naman natin ang pagkabalisa ni Felipe. Parang ganito ang sinasabi niya: “Lord, sakali mang makaabot nga kami sa pupuntahan mo, e baka hindi naman kami makilala ng tatay mo. Baka hindi niya kami patuluyin. Baka pag kumatok kami ay pagsarhan kami ng pinto. O baka ibang pinto ang katukan namin dahil hindi namin kabisado ang mukha niya. Baka sabihin niya, hindi ko kayo kilala.”

Ito ang isa pang madalas magdulot sa atin ng pagkabalisa. Ang takot na baka hindi tayo tanggapin. Baka hindi tayo pumasa o makitang karapat-dapat. Baka tayo ma-etsapwera.

Ang sagot ni Hesus kay Felipe ay, “Ako at ang Ama ay iisa.” Kay Hesus nakikita ang Diyos na hindi nakikita. Ito ang sinabi ni San Pablo sa mga Taga Kolosas, “Siya ang mukha ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay ng buong sangnilikha.” At ang mukha ng Diyos na ipinakilala ni Hesus ay mahabagin at mapagmalasakit. Hindi isang Diyos na huhusga sa atin. May lugar siya para sa lahat, wala siya itatapon o isasantabi. Sabi nga ni San Juan, “hindi naman isinugo ng Diyos ang kanyang anak upang parusahan ang daigdig kundi upang iligtas ito.

Kaya kaisa ni Hesus, sa atin ding mga alagad dapat ding makita ang mukha ng Diyos na mahabagin, tumatanggap at nagpapatawad. Kaisa ni Hesus ang Diyos na hindi nakikita ay makikita rin sa atin, sa ating mga gawain. Sa pagiging alagad, mas nakikilala natin siya, mas napaglilingkuran, at nasusundan nang nang mas malapitan upang makatulad natin siya, upang maging “kamukha” natin siya, upang matulad tayo sa kanyang hugis at wangis. At nangyayari ito kapag natututo tayong magmahal kung paano niya tayo minahal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,870 total views

 25,870 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,970 total views

 33,970 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,937 total views

 51,937 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,998 total views

 80,998 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,575 total views

 101,575 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 7,130 total views

 7,130 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 9,488 total views

 9,488 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 21,462 total views

 21,462 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 10,349 total views

 10,349 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 9,459 total views

 9,459 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 17,018 total views

 17,018 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 5,193 total views

 5,193 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 5,195 total views

 5,195 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 5,362 total views

 5,362 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 5,908 total views

 5,908 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 6,552 total views

 6,552 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 13,737 total views

 13,737 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 8,445 total views

 8,445 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 12,198 total views

 12,198 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top