Magkaugnay ang Pilipinas at Sudan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Mga Kapanalig, malaki ang ating pasasalamat sa pamahalaan para sa hindi nito pagpapabaya sa ating mga kababayang naipit—at patuloy na naiipit—sa lumalalang tensyon sa bansang Sudan. Ang nangyayaring gulo roon ay bunga ng agawan sa kapangyarihan at kontrol ng dalawang dalawang grupong nagpatalsik sa presidente ng Sudan noong 2019.  

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit isandaang Pinoy evacuees na ang nakabalik ng Pilipinas sa tulong ng Department of Migrant Workers (o DMW) at ng Department of Foreign Affairs (o DFA). Inaasahan namang makababalik na ng bansa ang mahigit 660 na mga Pilipinong nakaalis na ng Khartoum, ang kabisera ng Sudan. May mga patawíd na ng border ng Sudan at Egypt, habang ang iba naman ay nasa Cairo, Egypt kung saan may repatriation flights nang inihanda ang ating gobyerno. May ilan namang sa Jeddah, Saudi Arabia lilipad pabalik ng Pilipinas. 

Dahil sa trauma na dinanas ng ating mga kababayan sa Sudan, agad silang binibigyan ng psycho-social intervention pagdating sa bansa. Hindi biro ang takot na maaaring nakatatak na sa kanilang isipan. Ang mga overseas Filipino workers (o OFW) naman ay makatatanggap ng limampung libong piso mula sa DMW. Ganito rin ang halagang ipagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (o OWWA). Tutulungan naman ng DMW na mahanapan ng employers sa ibang bansa ang mga Pinoy skilled workers na nawalan ng trabaho sa Sudan. 

Ang pagkakaipit sa digmaan ang isa sa mga nakatatakot na karanasang kinakaharap ng mga kababayan nating naghahanap lamang ng trabahong magbibigay sa kanila ng kakayahang maitaguyod ang kanilang naiwang pamilya. Isa ito sa mga peligrong handang suungin ng mga ama, ina, kapatid, at anak para lamang mabigyan ng magandang buhay ang mga umaasa sa kanila, isang magandang buhay na mailap sa kanila sa sarili nating bayan. Ayon sa DMW, kabilang sa mga OFWs sa Sudan ay mga guro, nars, construction workers, at engineers—mga talentong pinakikinabangan sana natin sa Pilipinas kung sapat ang mga oportunidad dito para sa mga katulad nila. Kung ang mga OFWs sa Sudan ay may pagkakataon sa Pilipinas na makatanggap ng suweldong natatanggap nila sa ibang bayan, tiyak na hindi nila pipiliing iwan ang kanilang pamilya at makipagsapalaran sa ibayong-dagat. 

Ang pangingibang-bansa upang magtrabaho ay isang karapatang kinikilala ng ating Simbahan. Ang karapatan namang ito ay nakabatay sa katuruan ng ating Santa Iglesia na ang lahat ng biyayang matatagpuan sa mundong nilikha at pinagkaloob sa atin ng Diyos ay para sa lahat. Sa mata ng Diyos, tayo, bilang nilikhang kawangis niya ayon nga sa Genesis 1:27, ay pantay-pantay. Kapag hindi makamit ng isang tao ang isang makahulugang buhay sa sarili niyang bayan, siya ay may karapatang hanapin ito sa ibang lugar.

Gayunman, nananatili ang tungkulin ng mga namumuno ng mga bansang tiyaking hindi mapipilitan ang mga mamamayan nilang lisanin ang kanilang bayan, lalo na kung ilalagay nito sa alanganin ang kanilang buhay. Sa kalagayan natin ngayon sa Pilipinas, hindi natin maitatangging kaakit-akit para sa marami sa ating mga kababayang makipagsapalaran sa ibang bayan. Hindi natin sila masisisi. Kaya nararapat lamang na laguing nariyan ang ating pamahalaan para sa ating mga OFWs, bagay na nakikita naman natin ngayon sa pagtugon nila sa epekto ng gulo ng Sudan sa mga kababayan nating naroroon. Ngunit marami pang kailangang gawin, lalo na sa paglikha ng mga oportunidad sa ating bansa nang sa gayon ay hindi na kailanganing mangibang bansa ng mga naghahanap ng trabaho. 

Mga Kapanalig, ipanalangin natin ang kapayapaan sa buong mundo, lalo na sa mga bansang katulad ng Sudan. Sa naging epekto ng kaguluhan doon sa ating mga OFWs, nakikita natin ang katotohanang lahat tayo—nasaan man sa mundo—ay magkakaugnay.  

Sumainyo ang katotohanan.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 193,872 total reads

 193,872 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 264,184 total reads

 264,184 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 297,633 total reads

 297,633 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 332,933 total reads

 332,933 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 551,652 total reads

 551,652 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 193,873 total reads

 193,873 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 264,185 total reads

 264,185 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 297,634 total reads

 297,634 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 332,934 total reads

 332,934 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top