MARTES, MAYO 30, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,608 total reads

Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 35, 1-15
Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Marcos 10, 28-31

Tuesday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 35, 1-15

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Parang nang nag-alay ng maraming handog ang sumusunod sa Kautusan:
Sapagkat ang tumatalima sa mga utos ay para nang nag-alay ng mga handog na pinagsasaluhan;
ang tumatanaw ng utang-na-loob ay para nang naghandog ng mainam na harina,
at ang nagkakawanggawa ay para nang nag-alay ng handog ng pasasalamat.
Umiwas ka sa masama at kalulugdan ka ng Panginoon,
mag-ingat kang huwag makaapi at para ka nang nagbayad-puri para sa iyong sala.
Huwag kang haharap sa Panginoon ng walang dalang anuman,
sapagkat ang lahat ng handog na ito ay itinatagubilin ng Kautusan.
Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog,
ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan.
Kinalulugdan ng Panginoon ang handog ng taong matuwid sa kanya,
ito’y isang alaala na hindi niya malilimutan.
Parangalan mo ang Panginoon nang buong katapatan,
at huwag mong panghinayangan ang mga unang bungang inihahandog mo sa kanya.
Ialay mo ang iyong handog nang may ngiti sa mga labi,
at magbigay ka ng ikapu nang may galak sa puso.
Maghandog ka sa Panginoon nang ubos-kaya,
maging bukas-palad ka sa kanya, gaya ng ginawa niya sa iyo.
Ang Panginoon ay masaganang gumanti,
gagantihan ka niya nang pitong ibayo.
Huwag mong susuhulan ang Panginoon, sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,
huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.
Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,
wala siyang itinatanging sinuman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,
silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong hain.
Ang buong kalangita’y naghahayag na ang Diyos,
isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin;
ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko’y unawain;
ako’y mayroong patotoo’t saksi laban sa Israel.
Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat;
ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mulat sa panganib ng ating pagtitiwala sa mga layaw ng mundong ito, itinataas natin ang ating mga puso sa maalab na pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ikaw ang lahat-lahat sa amin.

Ang Simbahan sa buong sandaigdigan nawa’y maging matibay at tunay na tanda ng daan tungo sa walang katapusang kaligayahan at buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutong magtiwala sa mga espiritwal na pinahahalagahan na siyang nagpapayaman ng buo nating katauhan at hindi sa mga materyal na kayamanan na nagbibigay ng kawalang kasiyahan sa ating mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y hindi natin isara sa mga nangangailangan, at sa halip maging mulat tayo sa pakiisa sa mga gawain ni Kristo na nagpapagaling at nakapagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y madama nila ang kalinga ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-ibig ng kanilang mga kapitbahay at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tingnan mo nang may habag ang mga nangangailangan. Liwanagan mo ng iyong katotohanan ang aming buhay at bigyan kami ng biyaya na mamuhay ayon sa mataas na pagpapahalaga sa amin ng iyong Anak na si Jesu-Kristo, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Bagong mukha ng Boracay

 21,294 total reads

Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay patuloy na dinarayo ng mga turista. Pero ang mukha ng Boracay na kilala natin ay mapapalitan na. Nagbukás na kasi roon ang isang casino. Ginanap ang soft opening nito noong Setyembre 16, habang ang grand launch ay nito lamang Linggo, Oktubre 11. May shopping mall ding magbubukás doon ngayong taon.

Ang Boracay ay isang lugar para magbakasyon, magpahinga, magsaya, at mamangha sa ganda ng kalikasan. Kapag naglagay doon ng casino at malalaking establisimyento, binabago na rin ang mismong imahe ng lugar na pangunahing rason kung bakit pumupunta roon ang mga tao. Hindi rin dapat kalimutan na family vacation destination ang Boracay. Ito ay lugar para mapalapit at magsama-sama ang pamilya. Ibang-iba ito sa layunin ng isang casino na ineengganyo ang mga tao na tumayâ at gumastos. Alam din nating dahil sa mga casino, marami nang kaso ng pagkalulóng o adiksyon sa pagsusugal, pagkawala ng perang nakalaan dapat para sa pamilya, at pagkasira ng tiwala sa loob ng tahanan.

Ito ang ipinunto ng Diyosesis ng Kalibo sa kanilang pastoral statement ukol sa pagtatayo ng casino sa Boracay. Iginiit ng mga pastol ng Simbahan doon na hindi naman masama ang paglalaro, pero nagiging mali ito kapag nauuwi sa pagkakait sa sarili o sa kapwa ng mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang panganib na ibinababala ng Simbahan. Ang pagka-casino ay idinisenyo para akitin ang mga taong maghangad pa kapag nananalo at magbakasakali pa kapag natatalo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang Simbahan kasama ang mga residente sa pagkakaroon ng casino sa Boracay. Taóng 2018 nang unang lumutang ang plano. May mga pangamba na sa mabilis na pagbabago sa isla, lalong masisira ang kalikasan. Kasama pa nilang tumutol noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa parehong taon, isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan para sa malawakang rehabilitasyon. Pero noong 2021, binawi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon laban sa casino at pinayagan niya ang operasyon nito sa Boracay. Sinalubong ito ng pagtutol mula sa mga residente, negosyante, at lokal na Simbahan. Sa dami ng isinakripisyo noon upang maisalba ang isla, mauuwi lang pala ulit sa parehong uri ng pagbabago na dati nang naglagay sa Boracay sa alanganin.

Sabi sa Genesis 2:15, ginawa ng Diyos ang tao upang “alagaan at ingatan” ang Kanyang mga nilikha. Hindi tayo ang may ganap na pag-aari sa kalikasan. Tungkulin nating protektahan at panatilihin ito para sa mga susunod na henerasyon. Ang Boracay ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Dapat natin itong alagaan at ingatan.

Mahalaga ang pag-unlad, trabaho, at turismo, pero hindi dapat maging kapalit ng mga ito ang kapaligiran at pagkakakilanlan ng Boracay. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos. Bawat isa ay inaasahang gamitin nang tama ang kalayaang mamili para hindi malulong sa pagsusugal. Ang pamahalaan ay inaasahang gumawa ng mga desisyong isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente at kalikasan. Ang mga negosyo naman ay  pinaaalalahanang hindi lang sa kita umiikot ang kanilang paglago. May pananagutan din sila sa komunidad at sa kalikasan.

Mga Kapanalig, tinatawag nating paraiso ang Boracay dahil sa ganda nito. Huwag sana nating hayaang dumating ang panahon na ang paraisong ito ay maalala bilang lugar ng mga sugalan at bisyo. Ang pagtutol sa ganitong establisimiyento ay hindi pagtutol sa kaunlaran. Ito ay paninindigan na ang kaunlaran ay dapat may limitasyon, at hindi dapat sumisira sa biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na payabungin.

Sumainyo ang katotohanan.

TRULY BLESSED

 7,282 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 7,668 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,295 total reads

 21,295 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,073 total reads

 58,073 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,343 total reads

 284,343 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,810 total reads

 177,810 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,693 total reads

 270,693 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 1,513 total reads

 1,513 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 3,434 total reads

 3,434 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 4,597 total reads

 4,597 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 6,197 total reads

 6,197 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 6,175 total reads

 6,175 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top