In-site relocation, panawagan pa rin ng Yolanda survivors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Nananawagan pa rin ng in-site relocation sa pamahalaan ang mga taga Sitio Alimasag, Brgy. 88 San Jose sa Tacloban City na biktima ng nagdaang Bagyong Yolanda upang maging malapit sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Ofelia Casio, Presidente ng Alimasag Homeowners Association, may ibinigay sa kanila ang National Housing Authority na pabahay subalit karamihan sa kanila, hindi tumira doon dahil sa kawalan ng supply ng tubig, kuryente, malayo sa mga paaralan at malayo sa kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Casio na mas pinili nilang manatili sa kanilang lugar dahil malapit ito sa dalampasigan kung saan sila naghahanapbuhay na panghuhuli ng alimasag.

“Sa una, walang tubig at kuryente, yung tubig deliver lang twice a week, problema is tubig binigyan ng livelihood, wala silang training kaya walang nangyari sa livelihood. Nung dumalaw lang si President Duterte dun lang kami nabigyan ng supply ng tubig. Sa pagtatayo ng mga pabahay, walang consultation sa mga tao, dun sa North malayo kasi, kaya ang people’s plan na in-site relocation yan ang gusto namin kasi hanapbuhay namin andito mangingisda lahat, bawat pamilya sa pabahay kasi nila malayo, lugi sa pamasahe patungo sa mga paaralan at sa hanapbuhay,” pahayag ni Casio sa panayam ng Radio Veritas.

Sa record ng NHA, Nasa 2,500 na pamilya lamang ang nanirahan sa kanilang pabahay mula sa 14, 400 na dapat permanenteng na-relocate.

Matatandaang sa Pope Francis Village sa Tacloban City na handog ng Simbahang Katolika, nasa 550 pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda ang nabigyan ng pabahay.

Sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong November ng 2013, mahigit 7,000 ang nasawi at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan na naging dahilan ng pagbisita sa bansa ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero ng 2015 upang personal na ipadama ang awa at habag ng Panginoon sa mga biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,276 total reads

 23,276 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,372 total reads

 57,372 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 93,855 total reads

 93,855 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,066 total reads

 112,066 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,167 total reads

 195,167 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,893 total reads

 216,893 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,997 total reads

 355,997 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top