Basura: Mula Lupa Hanggang Karagatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total views

Nakapag-swimming na ba kayo ngayong tag-init? Sa inyong muling pagbisita sa mga beaches ng ating bayan, malinis pa rin ba sila at kahalina-halina, o dumami na ang mga basurang lumulutang lutang dito?

Kapanalig, napakalaking problema ng basura sa ating bayan. Taon taon, parami ng parami ang ating nalilikhang basura. Tinatayang mula 2022 hanggang 2025, ang basurang ating malilikha ay aabot ng 92 milyong tonelada.

Napakalaking problema nito kapanalig. Tayo nga ay sinasabing Top 4 waste generator sa Southeast Asia at isa sa top ocean polluters sa buong mundo. Ang basura natin sa lupa, kapanalig, umaabot na sa karagatan. Hindi lamang ito nagdudumi ng katawang tubig, pumapatay rin ito ng hayop at halaman, mga resources na nagbibigay buhay at kabuhayan sa ating bansa.

Maraming mga salik kung bakit kay hirap  mabawasan ang basura sa ating bayan. Isa na rito ay ang pamamayagpag ng pag-gamit ng plastic sa ating bayan. Napakalaking industriya nito, kapanalig, at vital din naman sa ekonomiya ng bayan at sa buhay nating mga Filipino. Ayon nga sa World Bank, nag-ambag ito ng $2.3 billion dollars sa kaban ng bayan noong 2018 at nagbigay ito ng mababang presyo ng mga consumer goods, na siya namang tinatangkilik ng malaking porsyento ng ating mamamayan. May mga projections na nagsasabi na umaabot sa  163 million piraso ng sachets ang ginagamit ng ating bayan araw-araw.

Para mabawasan ito, maganda sana na ma recycle man lang natin ang malaking bahagi nito. Kaya lamang, mga 28% lamang ng mga plastic resins ang ating narerecyle, ang natitira, sa basura lamang napupunta.

Kapanalig, marami pang kailangan gawin ang ating bansa upang mabawasan ang basurang ating kinakalat sa mundo. Ang mahirap, nadagdagan pa ito ngayong pandemya dahil may mga panibagong materyal na naman tayong naging basura – ang ating mga face masks, mga testing kits, food packaging, at iba pa.

Kailangang mapa-igi pa natin ang mga waste facilities ng ating bayan – hindi lamang puro dumpsite at landfill ang gawin natin, kapanalig. Kailangan nating dagdagan ang mga waste recovery facilities, mula sa lebel ng komunidad, hanggang sa national level. Kung maaari lamang sana nga ay mapa-igting pa natin ang waste recovery hanggang sa lebel ng kabahayan, mas mainam. Sa ngayon, sama sama ang basura ng maraming kabahayan dahil pakiramdam nila, sama sama rin naman lahat sa garbage collection. Wala rin masyadong nakaka-alam ng mga waste recycling facilities, sa loob at labas ng mga pamayanan.

Kapanalig, sa basura, kitang kita na tao ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng mundo. Ayon nga sa Laudato Si:  The human environment and the natural environment deteriorate together; we cannot adequately combat environmental degradation unless we attend to causes related to human and social degradation. Nasa ating mga kamay din kapanalig, ang panunumbalik ng ganda at linis ng ating kapaligiran. Sana’y mas mabilis ang pagkilos natin para dito, bago mahuli ang lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 15,237 total views

 15,237 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 38,389 total views

 38,389 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 108,503 total views

 108,503 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 183,115 total views

 183,115 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 262,148 total views

 262,148 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 15,238 total views

 15,238 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 38,390 total views

 38,390 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 108,504 total views

 108,504 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 183,116 total views

 183,116 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top