Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

11th Sunday of Ordinary time Cycle A

Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8

Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay sa mundo at pinabayaan na lamang, na bahala na tayo sa ating buhay. Hindi! May plano siya sa atin! Nagmamalasakit siya sa atin. Alam niya ang ating situasyon at naghahanap siya ng mga paraan upang maging maayos ang ating kalagayan.

Ang isang katangian ng ating panahon ngayon ay ang sekularismo – makamundo. Makamundo ang pananaw at pag-uugali ng mga tao. Ang pinapansin lang ng mga tao ngayon ay ang realidad ng mundo, ang mga pangyayari sa mundo. Marami ay walang pakialam at binabale wala ang spiritual na mga bagay. Hindi na iniisip ang kabilang buhay. Ang mahalaga lang ay ang buhay sa mundong ito. Hindi naman tinatanggihan ng mga tao ang Diyos at mga maka-espiritual na bagay tulad ng kaluluwa, gantimpala o parusa sa kabilang buhay. Hindi naman tinatanggihan ang mga ito; binabale wala lang nila. Nabubuhay sila na parang walang Diyos. Nabubuhay sila na parang walang pakialam ang Diyos sa kanila at hindi na rin nila pinapansin ang Diyos. Kaya hindi sila nagdarasal. Hindi nila sinasamba ang Diyos. Wala silang panahon para sa Diyos.

Pero hindi ganyan ang Diyos. Sa ating unang pagbasa sinabi ng Diyos na ipaalam ni Moises na mga tao na alalahanin nila ang ginawa niya sa kanila sa Egipto. Kung paano niya sila inilikas sa pagkaalipin at inalagaan tulad ng pagkupkop ng agila sa kanyang mga inaakay. Pinotektahan sila sa mga kaaway at mga panganib kasi may mabuting balak siya sa kanila. Ibig niyang gawin silang espesyal. Gagawin silang isang bayan ng nakatalaga sa kanya. Sila ay magiging bayan ng mga pari na maglilingkod sa kanya. Ang buhay nila ay magiging pagsamba na kalugod-lugod sa kanya.

Ang plano ng Diyos na maging espesyal tayo sa kanya ay pinakita din ni Jesus. Nalungkot at nabahala si Jesus na ang mga tao ay lito at lupaypay. Walang direksyon at walang kabuluhan ang kanilang buhay. Para silang mga tupa na nakakalat at kung saan-saan na lang pumupunta kasi walang nangangalaga at gumagabay sa kanila. Ganito nga ang kalagayan ng mga tao ngayon. Kanya-kanyang pagsisikap – pero para sa ano? Basta lang ba makapagtrabaho at kumita ng pera? Pag may pera naman good time na lang ang gagawin. Sasabong, makipag-inuman, bibili ng gadgets, sumama sa barkada. Iyan lang ba ang buhay? Iyan ba ang kasayahan? Ano nga ang tunay na saysay ng buhay?

Kailangan ng mga tao na may gagabay sa kanila tungo sa tunay na kahulugan ng buhay. Kaya si Jesus ay nangaral. At ang mga taong nakarinig sa kanya ay namangha sa kanya. Iba siya sa kanilang mga guro. Malalim ang kanyang mga aral at nagbibigay ng kabuluhan sa kanilang buhay. Kaya si Jesus ay pumili ng mga tao at pinadala niya sila. Binigyan niya sila ng kapangyarihan na mangaral at magbigay ng kagalingan sa mga may karamdaman at palayain ang mga nasa kapangyarihan ng kasamaan. Nababahala ang Diyos sa ating kalagayan. Ibig niyang makita natin ang tunay na patutunguhan ng buhay at tanggalin ang mga sagabal sa buhay na kaaya-aya.

Ganoon na lang ang kanyang pagkabahala sa atin na hindi lang niya tayo tinuruan ng wastong daan. Namatay siya upang ilagay tayo sa wastong landas. Tinubos niya tayo. Binayaran na niya ang ating pagkakamali. Pinunan na niya ang ating pagkukulang. Sinabi ni San Pablo na mahirap na ang isang tao ay mamatay para sa kanyang kapwa, pero kung talagang mabait ang isang tao baka may mangahas pang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanya. Dito pinakita ni Jesus na talagang espesyal tayo sa kanya. Kahit na tayo ay masama pa noon, kaaway pa natin ang Diyos o hindi pa natin siya kinikilala, namatay na si Jesus para sa atin. Papabayaan pa ba niya tayo ngayon na naituwid na niya tayo sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay para sa atin? Makasalanan pa nga tayo namatay na siya para atin, ano pa kaya ngayon na tinubos na niya tayo? Malaki na ang itinaya niya para sa atin – basta na lang bang pababayaan niya tayo? Bakit natin iisipin na walang siyang pakialam sa atin, na hindi siya nababahala sa atin?

Mga kapatid, espesyal tayo para sa Diyos. Ibig niya na maging banal tayo. Gusto niya na maging kalugod-lugod tayo sa kanya kasi iyan ang ikabubuti natin. Diyan tayo talagang magiging maligaya. Sinulat ni San Agustin: “Ginawa mo kami O Panginoon para sa iyo, at hindi kami mapapakali, hindi kami mananahimik kung wala kami sa iyon.”

Kaya ang hinahangad ng tao ay hindi mapupuno ng anuman o ng sinuman kundi ng Diyos lamang. Hindi tayo makokontento sa anumang kaaliwan, ng anumang halaga ng kayamanan, ng anumang mga bagay-bagay, ng sinumang tao kundi ng Diyos lamang. Siya lamang ang ating hanapin. Kaya nga ang una at pinakadakilang utos ay mahalin mo ang Diyos ng higit sa lahat, ng buong puso, ng buong kaluluwa at ng buong lakas mo. Siya ang unahin natin sapagkat siya ang pinakamahalaga, at ginawa niya tayo para lamang sa kanya.

Napakalaki na ng kanyang itinaya sa atin. Nilikha niya tayo, minahal niya tayo, namatay siya para sa atin. Basta na lang ba niya tayong iiwanan? Hindi! Nababahala siya sa atin! Kaya manalig tayo sa kanyang pag-ibig. Huwag tayong mabuhay na parang walang pakialam ang Diyos sa atin, na parang wala siya. Nandiyan siya. Sunusubaybayan niya tayo hindi upang makita ang pagkakamali natin at parusahan tayo. Nandiyan siya upang tulungan tayo at ilagay tayo sa landas na magdadala ng tunay na kaligayahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 104,423 total reads

 104,423 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 139,101 total reads

 139,101 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 162,422 total reads

 162,422 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 198,908 total reads

 198,908 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 210,573 total reads

 210,573 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 30, 2026

 8,738 total reads

 8,738 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 12,895 total reads

 12,895 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 19,165 total reads

 19,165 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 27,494 total reads

 27,494 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »
Scroll to Top