Kongreso, wala nang kapangyarihang ipagpaliban ang BSKE sa October 30, 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,774 total views

Wala nang mababago sa inilabas na pasya ng Supreme Court na nagdedeklarang hindi naayon sa batas ang ginawang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Dr. Arwin Serrano ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na sa kabila ng desisyon ay masusunod pa rin na ipagliban ang nalalapit na barangay election ngayong Oktubre na dapat sana ay naganap noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Panawagan naman ni Serrano sa Mataas na Hukuman ang kagya’t na pagbibigay sa mga petisyon na hinahain sa korte na nangangailangan ng mabilis na katugunan.

“Sana sa mga susunod na mga inilalapit sa Supreme Court, ito’y maaktuhan agad sana. Kasi in fact ang gusto ng abogado na ‘yun ay maisagawa ang eleksyon ng Mayo. Pero lumagpas na nga ang Mayo, kaya it’s moot and academic na talagang susundin ‘yung ninais na petsa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa darating na October 30.” paliwanag ni Serrano.

Ipinaliwanag ng opisyal ng PPCRV na layunin ng nagsumite ng petisyon na hadlangan ang mga mambabatas na baguhin ang petsa ng halalan alinsunod sa nilalaman ng Saligang Batas.

“Magdadalawang isip na ang kongreso sa pagpapaliban ng mga susunod na naka-schedule na Barangay at SK elections. Magkakaroon din ito ng implikasyon sa tinatawag natin na hold over capacity or in-acting capacity kasi ayaw naman natin na itong natapos na ang termino ay namumuno pa rin sa respective barangay.” ayon kay Serrano.

Una na ring kinatigan ni Albay 1st district Representative Edcel Lagman ang pasya ng Mataas ng Hukuman na nagdedeklarang labag sa Salitang Batas ang pagpapaliban ng halalan.
Si Lagman ay kabilang sa ilang mambabatas na tutol na pagpapaantala sa eleksyon.

“The SC decision also supports our contention that the purported reason for the postponement to transfer funds earmarked for the BSKE to pandemic response violates the constitutional ban on the transfer of funds.” ayon sa pahayag ni Lagman.

Ayon pa sa inilabas na desisyon ng hukuman, kinakailangan isagawa na ang halalan ngayong taon subalit, kinakailangang ipatupad ang halalang pangbarangay sa unang Lunes ng Disyembre sa taong 2025 at pagdaraos ng eleksyon tuwing ikatlong taon.

Naniniwala naman si Lagman na ang desisyon ng Mataas na Hukuman ay magsisilbing babala sa mga mambabatas sa muling pagtatangkang ipagpaliban muli ang halalan sa hinaharap ng walang sapat na dahilan.

“This ruling will now foreclose any capricious and unnecessary attempt of the Congress to postpone future BSKE’s,” ayon sa mambabatas.
Sa kasalukuyang ay may 43-libo ang mga barangay sa buong bansa, na ayon sa batas ang mga opisyal ay maglilingkod sa loob ng tatlong taon na maaring mahalal ng hanggang sa tatlong termino o kabuuang siyam na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 30,221 total views

 30,221 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 58,226 total views

 58,226 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 76,026 total views

 76,026 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 74,846 total views

 74,846 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 185,073 total views

 185,073 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top