Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total reads

Parami ng parami ang bilang ng mga nagmomotorsiklo sa ating bansa. Sa hirap kasi ng public transport at sa bagal ng traffic sa ating mga syudad, motorsiklo na ang pinakamabilis na alternatibo para sa marami. Miski sa mga probinsya, motorsiklo din ang unang opsyon ng mga tao. Mura lang kasi at kayang makapunta sa mga eski-eskinita, sa bukid, at kahit pa sa mga sa mga rough o muddy terrain.

Sa dami ng mga nagmomotor  ngayon, kailangan maprayoridad ang safety o kaligtasan ng mga nagmomotor sa bayan. Habang dumadami kasi ang bilang nila, tumataas din ang bilang ng mga motorcycle accidents. Ayon sa datos ng Highway Patrol Group, nitong unang apat ng buwan ng 2023, umabot ng higit pa sa 4,000 ang mga motorcycle related accidents. Mahigit 8,000 naman ang bilang ng mga motorcycle accidents sa buong 2022. Na-kanino ba ang pagkukulang, kapanalig?

Unang una, kailangan matiyak ng ating lipunan na ligtas ang lansangan para sa lahat. Ang disenyo ng ating kalye ay dapat inklusibo, may espasyo para sa lahat. Hindi lamang dapat nakalaan para sa mga pribadong sasakyan ang mga lansangan.

Pangalawa, kailangan tingnan natin ang ating mga road policies. Komprehensibo ba ito? Inklusibo ba ito? Naisa-alang-alang na ba nito ang mga pagbabago na ating nakikita sa ating mga drivers, commuters, at mga uri ng behikulo na gamit ng ating mga mamamayan?

Kailangan ding tingnan ang kaalaman at kamalayan ng ating mga drivers at riders ukol sa pagmamaneho, traffic signages, pati sa road safety. Sa ibang mga bansa, may mga driver education programs para sa mga kabataan at may kaakibat ito na mga mahabang oras o araw na classroom instruction pati hands-on training. Dito sa ating bansa, mga pribadong negosyo ang nag-o-offer ng driver education, pero pagdating sa motor, mas kanya-kanya na lang ang diskarte ng tao.

Kapanalig, kailangan nating mabago ito. Napaka-iresponsable nating lipunan kung tayo ay nagpapabayang magparami ng mga riders at drivers ng hindi naman natin natitiyak ang kanilang kaligtasan sa ating mga lansangan. Ito ay pampublikong isyu na nangangailangan ng agarang solusyon.

Ang road safety kapanalig, ay para sa kabutihan ng balana, at responsibilidad nating lahat. Kahit anong ingat mo, kung hindi naman maingat ang  mga kasabayan natin sa kalye, lagi pa rin tayong at-risk. Ayon nga sa Gaudium et Spes: Hindi dapat sarili lamang natin ang ating iniisip. Upang ating maisakaturaparan ang panlipunang katarungan at pagmamahal sa balana, kailangan  nating  mag-ambag sa kabutihan ng lahat ayon sa ating kakayahan at sa pangangailangan ng iba.

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 37,991 total reads

 37,991 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,329 total reads

 143,329 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 228,698 total reads

 228,698 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,435 total reads

 275,435 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,307 total reads

 323,307 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 420,052 total reads

 420,052 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,331 total reads

 143,331 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 228,700 total reads

 228,700 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,437 total reads

 275,437 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,309 total reads

 323,309 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top