Pag-asang makapagbagong buhay, ibigay sa mga nagkasala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total views

Bigyan ng pag-asa ang mga taong nagkasala na makapagsisi at makapagbagong buhay at muling makabalik sa lipunan ng matiwasay.

Ito ang panawagan ni CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga mambabatas na nagsusulong na muling ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ng Obispo sa pamahalaan at sa mga mambabatas na hindi dapat gamitin sa paghihiganti ang death penalty.

“At lalong – lalo na hindi natin dapat gagamitin iyan sa paghihiganti kasi para sa atin ang mahalaga ma – reform ang tao at umaasa tayo na ang buhay ng tao ay may pagkakataon at may kakayahan na magbago. Marami sa mga biktima diyan ang mga mahihirap na walang kapasidad na ipagtanggol ang kanilang sarili at marami ng mga kaso na ang mga pinatay ay mali pala ang akusasyon sa kanila. Kaya dapat hindi maibalik ang death penalty,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Umaasa si Pabillo na mapagtanto ng mga 230 mambabatas na nagsusulong nito sa Kamara na walang karapatan ang estado na kitilin ang buhay ng isang tao lalo’t ang buhay ng tao ay sagrado at tanging Diyos lamang ang may karapatan na kumuha nito.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na patunay ang datus mula sa Amnesty International noong July 2015, mahigit 140 bansa na ang nagtanggal ng parusang kamatayan sa kanilang bansa at inayos ang kanilang judicial system.

“Ang death penalty ay hindi solusyon para sa krimen. Ang dapat ayusin ay ang ating judiciary system hindi iyan death penalty kasi pati mga bansa na may death penalty tuloy pa rin ang mga krimen nila,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Read:
http://www.veritas846.ph/may-ibang-sagot-laban-sa-kasamaan/
http://www.veritas846.ph/jesus-god-life-not-death/
http://www.veritas846.ph/pagpipilit-na-maisabatas-ang-death-penalty-salungat-sa-diwa-ng-pasko/

Dagdag pa sa datus ng Amnesty International na mahigit 600 ang binitay sa buong mundo noong 2014 na halos bumaba ng 22 porsyento kumapara sa mga naitala noong 2013. Nauna na ring binanggit ng kanyang kabanalan Francisco sa isinagawang World Conference against Death Penalty sa Oslo, Norway na ang capital punishment ay taliwas sa plano ng Diyos sa bawat indibidwal na makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 4,762 total views

 4,762 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 178,696 total views

 178,696 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 156,329 total views

 156,329 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 220,342 total views

 220,342 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 239,789 total views

 239,789 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 59,925 total views

 59,925 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 259,818 total views

 259,818 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top