NDF, lalagda sa bilateral ceasefire agreement subalit…

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total reads

Tutugunan ng NDF o National Democratic Front ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan na ang bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng GRP at ng NDF.

Ayon kay dating Bayan Muna representative Satur Ocampo, ito ang sinabi ni Luis Jalandoni ng NDF sa hamon ng Pangulo na pakakawalan ang mga political prisoners sa loob ng 48 oras sa sandaling malagdaan ang kasunduan.

Gayunman, sinabi ni Ocampo na sa panig ng NDF ipatutupad lamang nila ang bilateral ceasefire agreement kung isasakatuparan ni Duterte ang sinasabi nitong pagpapalaya sa mga bilanggong-pulitikal.

“Susunod sila sa usapan. Sa Enero. Sabi ng NDF puwede silang pumirma sa bilateral ceasefire agreement pero ang pagpapatupad noon makaraang tumupad si Duterte sa sinasabi niya na pag nalagdaan yun ire-release niya ang mga bilanggong pulitikal, saka lamang puwedeng ipatupad ang bilateral ceasefire agreement,” pahayag ni Ocampo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Ocampo, na binigyan ng CPP o Communist Party of the Philippines ang Pangulong Duterte ng hanggang Enero ng 2017 para tuparin ang pangako nito bago muli ang peace negotiation sa Enero a-18 hanggang a-25.

“Nagsabi din ang CPP na bibigyan si Duterte hanggang Enero para tuparin ang pangako niya at pangako ng GRP na palayain ang mga nasa listahan na binigay ng NDF bago mag-resume ang peace negotiation sa January 18-25.”

Kaugnay nito, tiniyak ni GRP peace negotiator Silvestre Bello III na palalayain ng Pangulong Duterte ang mga political detainees sa loob ng 48 oras sa sandaling malagdaan ng GRP at NDF ang bilateral ceasefire agreement.

Nilinaw ni Bello na ang pagpapalaya sa mga ito ay hindi pre-condition sa ceasefire agreement kundi ito ay isang “confidence building measures” upang mabawasan ang mga pagsalakay at para ipakita ang sinseridad sa usapang pangkapayapaan.

Gayunman nangako ang Pangulo na palalayain niya ang ilang matatanda at may sakit na rebelde bago mag-Pasko.

Nasa 88 ang matatanda at 48 ang mga maysakit na political prisoners.

Una ng binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aarmas kundi sa isang payapang dayalogo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,454 total reads

 77,454 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,681 total reads

 155,681 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,128 total reads

 189,128 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,425 total reads

 224,425 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,858 total reads

 447,858 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,415 total reads

 298,415 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,282 total reads

 409,282 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top