NDF, lalagda sa bilateral ceasefire agreement subalit…

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 341 total reads

Tutugunan ng NDF o National Democratic Front ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan na ang bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng GRP at ng NDF.

Ayon kay dating Bayan Muna representative Satur Ocampo, ito ang sinabi ni Luis Jalandoni ng NDF sa hamon ng Pangulo na pakakawalan ang mga political prisoners sa loob ng 48 oras sa sandaling malagdaan ang kasunduan.

Gayunman, sinabi ni Ocampo na sa panig ng NDF ipatutupad lamang nila ang bilateral ceasefire agreement kung isasakatuparan ni Duterte ang sinasabi nitong pagpapalaya sa mga bilanggong-pulitikal.

“Susunod sila sa usapan. Sa Enero. Sabi ng NDF puwede silang pumirma sa bilateral ceasefire agreement pero ang pagpapatupad noon makaraang tumupad si Duterte sa sinasabi niya na pag nalagdaan yun ire-release niya ang mga bilanggong pulitikal, saka lamang puwedeng ipatupad ang bilateral ceasefire agreement,” pahayag ni Ocampo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Ocampo, na binigyan ng CPP o Communist Party of the Philippines ang Pangulong Duterte ng hanggang Enero ng 2017 para tuparin ang pangako nito bago muli ang peace negotiation sa Enero a-18 hanggang a-25.

“Nagsabi din ang CPP na bibigyan si Duterte hanggang Enero para tuparin ang pangako niya at pangako ng GRP na palayain ang mga nasa listahan na binigay ng NDF bago mag-resume ang peace negotiation sa January 18-25.”

Kaugnay nito, tiniyak ni GRP peace negotiator Silvestre Bello III na palalayain ng Pangulong Duterte ang mga political detainees sa loob ng 48 oras sa sandaling malagdaan ng GRP at NDF ang bilateral ceasefire agreement.

Nilinaw ni Bello na ang pagpapalaya sa mga ito ay hindi pre-condition sa ceasefire agreement kundi ito ay isang “confidence building measures” upang mabawasan ang mga pagsalakay at para ipakita ang sinseridad sa usapang pangkapayapaan.

Gayunman nangako ang Pangulo na palalayain niya ang ilang matatanda at may sakit na rebelde bago mag-Pasko.

Nasa 88 ang matatanda at 48 ang mga maysakit na political prisoners.

Una ng binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aarmas kundi sa isang payapang dayalogo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,617 total reads

 21,617 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 55,854 total reads

 55,854 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,336 total reads

 92,336 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,548 total reads

 110,548 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 193,737 total reads

 193,737 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,756 total reads

 216,756 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,919 total reads

 355,919 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top