Basura mo, responsabilidad mo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 888 total reads

Mga Kapanalig, kabilang ka ba sa mga naabala ng matinding pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila dulot ng masamang panahon noong mga unang linggo ng Hulyo?  

Kilo-kilometro nga ang haba ng mga sasakyan sa South Luzon Expressway dahil lumubog sa baha ang ilang bahagi ng naturang highway. Unang itinurong dahilan ang pagkasira ng daluyan ng tubig dahil may isang mall na nagsasagawa ng expansion at naapektuhan nito ang drainage system. Pero hindi rin inalis ang sisi sa mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig. Ayon sa Department of Public Works and Highways (o DPWH), ang tambak ng basurang itinatapon kung saan-saan ay napupunta at bumabara sa mga estero, creek, at kanal. Matagal na nating alam na perwisyo talaga ang basura lalo na sa panahon ng tag-ulan. 

Pero kung hindi man itinatapon kung saan-saan ang basura, sinusunog naman ang mga ito. Alam ba ninyong halos tatlo sa sampung pamilyang Pilipino, o 27%, ang sinusunog ang kanilang basura? Ito ang lumabas sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (o SWS) noong Marso pero ngayong buwan lamang isinapubliko. Ang pagsusunog ng basura ay labag sa Ecological Solid Waste Management Act. Sinumang lumabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa sampung libong piso o maaaring makulong sa loob ng hindi lalampas sa labinlimang araw. Hindi lamang polusyon ang dala ng usok mula sa basurang sinusunog. Masama rin ito sa kalusugan ng tao at maaaring maging sanhi ng sunog sa isang lugar. 

Kahit alam na natin ang masasamang epekto ng hindi wastong pagtatapon ng ating basura, bakit kaya patuloy pa rin ang marami sa atin sa ganitong gawi? Siguradong may kakulangan din ang mga lokal na pamahalaan sa pagtupad nila ng kanilang tungkuling maayos na kolektahin ang ating basura. Ngunit dahil hindi natin maasahang siento-porsyentong matitiyak ng mga lokal na pamahalaang mapupunta sa tamang lugar ang mga itinatapon nating basura, malaki pa rin ang nakaatang sa ating mga mamamayan.  

Minsan nang sinabi ni Pope Francis: “Too many of us act like tyrants with regard to creation.” Malupit tayong mga tao sa sanilikha, at kitang-kita ito sa hindi natin pagiging responsable sa ating basura. Nilalamon—o nagpalamon—na tayo sa tinatawag na “culture of waste”, isang pamumuhay kung saan ang mga bagay—kahit pa ang mga tao—ay dinidispatsa na lang natin kapag wala silang pakinabang o hindi na mapakikinabangan pa. Tuluyan na tayong naging mga alipin ng konsumerismo na, ayon nga kay Pope Francis, pinapaniwala tayong ang ating buhay ay nakasalalay sa kung ano ang mayroon tayo. At ang gusto natin ay madaling makamit ang mga bagay na ito—kahit pa lilikha ang mga ito ng basurang sisira sa ating kalikasan, magdudulot ng panganib sa ating kalusugan, at magiging sanhi ng matinding abala sa buhay natin at ng ating kapwa. Ang tila kawalan ng kontrol sa ating pagkonsumo ang sinasamantala naman ng mga tao at korporasyong habol lamang ang kumita.  

Mga Kapanalig, marami pang darating na mga bagyo at pag-ulang aanurin ang basura sa ating mga lansangan at daluyang tubig. Hindi rin natin maaasahang huhusay agad ang koleksyon ng ating mga basura kaya’t may magsusunog pa rin ng kanilang basura. Kaya naman, inaanyayahan tayong balikan at suriin ang ating pang-araw-araw ng mga gawain at ang uri ng ating pamumuhay. Sa atin magsisimula ang pagbabago, at ang pagbabago sanang ito ay maipamalas natin sa ating kapwa para kahit papaano ay mabawasan ang basurang hindi lamang umaabala sa atin kundi nakapipinsala sa atin at sa ating kapaligiran. Sabi nga sa Tito 2:7, “maging halimbawa [tayo] ng mabuting ugali.” Mabuting ugali ang pagiging responsable sa ating basura. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,592 total reads

 50,592 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,233 total reads

 130,233 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,680 total reads

 163,680 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,978 total reads

 198,978 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,501 total reads

 423,501 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 50,593 total reads

 50,593 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,234 total reads

 130,234 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,681 total reads

 163,681 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,979 total reads

 198,979 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top