Healing not killing!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Ito dapat ang pangunahing programa ng pamahalaan sa pinaigting nitong kampanya laban sa talamak na kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Bagamat huli na, sinang – ayunan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity ang paghimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bilyonaryong negosyante sa bansa na tumulong sa pagpapatayo ng mga rehabilitation center para sa libu-libong drug surrenderers.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, responsibilidad ng mga negosyante na tugunan ang paanyaya ng pangulo dahil ito’y bahagi ng kanilang social responsibility.

Aminado naman si Bishop Pabillo sa magandang hangarin ng Pangulong Duterte sa pagpapatayo ng mga rehab centers ngunit itinuturing niya itong huli na dahil halos 5, 900 na ang namamatay sa kampanya kontra iligal na droga at hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga drug surrenderers.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi lamang sapat na may pasilidad kaya’t hinimok nito ang pamahalaan na magpatulong sa Simbahan at iba pang religious groups lalo na sa pagbibigay ng tamang spiritual rehabilitation program sa mga sumukong adik at pushers.

“Kaya’t hindi lang sapat na magkaroon ng rehabilitation centers, magkaroon rin ng tao na mamamahala nito at paraan kung papaano sila ma – rehabilitate. Ang masama lang dun napatay na ang marami tsaka lang manawagan ng rehabilitation, naniniwala pala sila sa rehabilitation bakit hindi kaagad tugunan na i – rehabilitate nila. Hindi lang basta – basta papatayin…Kung makakatulong sila mas mabuti bahagi naman iyon ng kanilang social responsibility,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Sa kasalukuyan, bukod sa Sanlakbay para sa Pagbabago program ng Archdiocese of Manila ay nagtatag din ang ibat-ibang Diocese ng Simbahan ng mga rehab centers na may kaakibat na livelihood programs para sa pamilya ng mga drug addict at pusher na sumuko sa pamahalaan.

Read:
http://www.veritas846.ph/nawawalang-espiritwalidad-dahil-sa-addiction-ibabalik-ng-simbahan/
http://www.veritas846.ph/faithbased-rehab-program-patuloy-sa-pagdami-dilg/
http://www.veritas846.ph/diocese-legazpi-umaapela-kay-pangulong-duterte-na-ipatigil-ang-ejk/
http://www.veritas846.ph/parokya-pinaka-ligtas-na-lugar-sa-drug-surrenderers/

Unang nagpasalamat si Pangulong Duterte kay Chinese businessman na si Huang Rulun na nagbigay ng 1.4-bilyong pisong pondo para sa construction ng 10, 000 – bed mega rehab center sa Nueva Ecija.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 83,735 total reads

 83,735 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,593 total reads

 161,593 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,041 total reads

 195,041 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,339 total reads

 230,339 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,568 total reads

 453,568 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,642 total reads

 298,642 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,460 total reads

 409,460 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top