Caritas Damayan, nagkaloob ng “jetmatic water pump” sa Diocese ng Gumaca

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Labis ang pasasalamat ng Diocese of Gumaca sa lalawigan ng Quezon matapos na magbahagi sa kanila ang Caritas Damayan ng dalawang jetmatic pump para sa mga komunidad sa nasabing bayan na hirap sa tubig.

Ayon kay Rev. Fr. Tony Aguilar, Social Action Director ng Diocese, malaking tulong ang mga water pumps lalo na’t pahirapan ang pagkuha ng tubig sa ilang mga komunidad sa kanilang Bayan.

Nagpapasalamat si Fr. Aguilar sa Caritas Manila at Radyo Veritas na naging daan upang maisakatuparan ang layunin na makatulong sa mga residenteng hirap sa tubig.

“Malaking tulong itong mga water pumps na ito sa mga communities natin lalo na’t hirap sila sa mapagkukunan ng sapat na tubig,”pahayag ni Fr. Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos P80 libong piso ayon sa Caritas Damayan ang sangay ng Caritas Manila na nakatuon sa Social and Health Services ng Simbahan.

Ikinagalak din ng mga residente ang proyekto sapagkat malaking gastusin para sa kanila ang pagkuha ng tubig.

“Malaki po ang pasasalamat namin dahil kapag walang tubig sa bayan pa kami kumukuha P100 pesos po ang apat na container” ani Saturnino Alcantara, isang Community leader sa Diocese of Gumaca.

Read:http://www.veritas846.ph/rehabilitation-program-sa-mga-apektado-ng-bagyong-lawin-isasagawa-ng-simbahan

Sa tala ng isang non-profit international NGO na Water.org, isang bata ang namamatay kada 21 segundo sa buong mundo dahil sa mga karamdaman na may kaugnayan sa kawalan ng malinis na tubig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 4,019 total views

 4,019 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 177,953 total views

 177,953 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 155,586 total views

 155,586 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 219,635 total views

 219,635 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 239,125 total views

 239,125 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 80,362 total views

 80,362 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top