Kapayapaan at pagtulong sa dukha, diwa ng Pasko- Arch. Quevedo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Ang kapayapaan at pagtulong sa mga dukha ang sentro at puso ng Pasko.

Ito ang naging buod ng pagbati ngayong holiday seasons ng Kanyang Kabunyian Cotabato Archdiocese Orlando Cardinal Quevedo sa sambayanang Pilipino na nagsusulong ng ikauunlad ng mahihirap at kapayapaan lalo na sa Mindanao.

Sinabi pa ng Kardinal na ang Mesiyas ay isinilang na dukha sa sabsaban ng Bethlehem na tanging hatid ay pagmamahal at kapayapaan lalo na sa mga naghihikahos at nananahan sa kadiliman.

Kaugnay nito, iginiit pa ni Cardinal Quevedo na sa patuloy na pagdami ng bilang ng napapatay sa kampanya kontra iligal na droga na tinatayang nasa mahigit anim na libo na at sa pagsusulong ng death penalty at ibang pang kultura na sumisira sa buhay ay manindigan pa rin ang lahat sa pagpapahalaga sa mga mahihirap at sa dignidad ng buhay.

Hiniling rin nito sa mga mananampalataya na panibaguhin ang pananalangin na hindi lamang para sa sariling intensyon kundi ipanalangin rin ang buong bansa at buong mundo na kumilos sa tunay na kapayapaan.

“Ang kapayapaan at ang mga dukha ang siyang sentro at puso ng pasko. Ang Mesiyas ay isinalang na dukha binasbasan at dinakila niya ang mga dukha. Itinuturing niyang mga anak ng Diyos ang kumikilos para sa kapayapaan sa ating bansang naghihikaos at nababalot ng dilim. Nawa’y palagi nating bigyang pansin ang mga dukha Nawa’y bigyan nating halaga at paggalang ang buhay. Panibaguhin ang panalangin at nawa’y kumilos tayo para sa tunay na kapayapaan na sumasaatin bilang biyaya ng Maykapal,” bahagi ng Christmas greetings ni Cardinal Quevedo sa mga mananampalataya sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 10.5 milyong pamilyang Filipino o 46% ang nagsabing sila ay mahirap sa unang quarter ng 2016, mas mababa sa 11.2 milyong pamilyang Filipino o 50% noong 2015 sa kaparehong panahon.

Una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagkalinga sa mahihirap sa pamamagitan na rin ng awa na may kaakibat na gawa gaya ng pagbabahagi sa kanila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at huwag silang balewalain ng estado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,497 total reads

 77,497 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,724 total reads

 155,724 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,171 total reads

 189,171 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,468 total reads

 224,468 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,900 total reads

 447,900 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,419 total reads

 298,419 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,286 total reads

 409,286 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top