Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng iba’t ibang Kristiyanong mananampalataya—kasama ang mga Katoliko—ang Panahon ng Paglikha o Season of Creation. Nagsimula ito noong unang araw ng Setyembre at matatapos sa ika-4 ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan. Ipinagdiriwang ang Season of Creation upang magbigay-puri at magpasalamat sa kalikasang biyaya sa atin ng Diyos, bigyang-pansin ang kasalukuyang kalagayan nito, at kumilos na pangalagaan ito.  

Noong isang linggo, ibinalita ni Jose Cardinal Advincula ng Arkidiyosesis ng Maynila na nag-divest o inalis na ng arkidiyosesis ang kanilang mga investment sa mga mapaminsalang negosyo katulad ng coal-fired power plants. Isa ang coal sa pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya dahil pinalalala ng pagsusunog nito ang pag-init ng mundo na nagdudulot naman ng climate change. Ayon kay Cardinal Advincula, ang hakbang na ito ay sang-ayon sa ating pananampalataya at mga panlipunang turo ng Simbahan.  

Noong isang taon, matatandaang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang isang pastoral letter on ecology. Laman ng liham pastorál ang iba’t ibang panawagan sa lahat ng diyosesis, parokya, mga relihiyoso at layko na protektahan ang kalikasan. Kasama sa mga ito ang pag-alis ng pondo ng Simbahang nakalagak sa mga bangkong may investment sa mga proyektong mapanira sa kalikasan. Nariyan din ang non-acceptance policy o pagtanggi sa donasyong mula sa mga may-ari ng negosyo at kumpanyang sangkot sa mga gawaing sumisira sa kalikasan. Nanawagan din ang CBCP na palawigin ang mga formation program sa mga parokya tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, suportahan ang pagsasabatas ng Rights of Nature Bill, at papanagutin ang mga ahensya ng pamahalaang naatasang protektahan ang kalikasan.  

Sa katatapos lamang na pananalasa ng mga bagyo sa bansa—mula kay Goring, Hanna, hanggang kay Ineng—higit nating naramdaman ang pinsalang dulot ng pang-aabuso natin sa kalikasan. Milyun-milyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga ito sa agrikultura at imprastraktura. Matindi ang naging abala sa pag-aaral ng mga bata at sa paghahanapbuhay. May mga sakit ding dinala ang malawakang pagbaha, lalo na sa Gitnang Luzon. 

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hamon para sa sangkatauhan. Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahang tungkulin ng bawat isa sa ating pangalagaan ang kalikasan at siguruhing hindi ito naaabuso para sa interes ng iilan. Ang pang-aabuso sa kalikasan ay isang malaking anyo ng kawalan ng katarungan sapagkat sinisira nito ang maayos na ugnayan ng mga nilalang ng Diyos. Ibig sabihin, kapag inaabuso natin ang kalikasan at nakikita lamang natin ang halaga ng sanilikha batay sa ating pakinabang sa kanila, binabalewala rin ang ating relasyon sa ibang nilikha ng Diyos.  

Ito ang mensaheng nais iparating ng simbolong ginagamit sa pagdiriwang natin ngayon ng Season of Creation—ang dakilang ilog. Hango ang simbolong ito sa Amos 5:24: “… padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran katulad ng isang ‘di natutuyong batis.” Panawagan ito sa lahat ng mananampalatayang ituwid ang ating baluktot ugnayan sa sanilikha nang ang katarungan ay dumaloy na parang ilog. Ituring natin ang kalikasan hindi lamang batay sa kanilang praktikal na gamit, ngunit bilang mga kapwang nilikha ng Diyos.  

Mga Kapanalig, ngayong Season of Creation, sikapin nating baguhin ang ugnayan natin sa sanilikha. Maaari natin itong umpisahan sa mga simpleng pagbabago sa loob ng ating tahanan katulad ng pagtitipid sa tubig at kuryente. Makatutulong din ang pagtalima ng ating mga parokya at diyosesis sa mga mungkahi sa liham pastoral ng CBCP. Kung aktibo tayo sa ating mga parokya, alamin natin ang ginagawa nito upang pangalagaan ang kalikasan. Huwag sana tayong mapagod na itama ang kawalang-katarungan sa sanilikha.  

Sumainyo ang katotohanan.   

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 24,387 total reads

 24,387 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,335 total reads

 47,335 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,835 total reads

 83,835 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,459 total reads

 304,459 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 337,701 total reads

 337,701 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Fashion show sa baha

 24,388 total reads

 24,388 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,336 total reads

 47,336 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,836 total reads

 83,836 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,460 total reads

 304,460 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »
Scroll to Top