Fossil gas power plant, tinutulan ng Diocese of Lucena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,241 total reads

Nagpahayag ng pagtutol ang mga pari ng Diyosesis ng Lucena hinggil sa pagtatayo ng Fossil Gas Power Plant sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa pahayag, ang iminumungkahing power plant ay itatayo sa mga bayan ng Mauban, Pagbilao, Atimonan, at iba pang bahagi ng lalawigan.

Naninindigan ang diyosesis alinsunod sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco upang ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel, at sa halip ay suportahan ang renewable energy na mas makabubuti para sa kalikasan at kaligtasan ng mga tao.

“Naniniwala kami na ang fossil fuels ay isa sa mga pangunahing sanhi ng unti-unting pagkasira ng mundo dahil sa masasamang naidudulot nito hindi lamang sa kapaligiran kung hindi pati sa lipunan at bawat kasapi nito, lalo na ang mga mahihirap at nasa laylayan,” pahayag ng Lucena Clergy.

Magugunitang taong 2015 nang kumilos ang diyosesis laban sa binabalak na coal-fired power plant sa Atimonan, at matagumpay na napigilan ang proyekto sa tulong ng mga mananampalataya at iba’t ibang grupo.

Gayunman, nagpapatuloy ang operasyon ng coal-fired power plant sa mga bayan ng Mauban at Pagbilao na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga residente, at polusyon sa kapaligiran.

“Hindi pa man naitatayo ang ilang iminumungkahing planta, pangita na ang mga danyos at epekto — at magiging epekto pa — nito sa buhay ng mga pangunahing maapektuhan ng proyekto sa pamamagitan ng mga kasalukuyang umiiral na coal-fired power plants sa mga naturang lugar,” nakasaad sa liham.

Iginiit ng mga pari na hindi kapani-paniwalang pabababain ng mga fossil gas power plant ang halaga ng kuryente dahil limitado lamang ang suplay ng fossil gas sa Pilipinas kaya’t mapipilitan ang pamahalaan na mag-angkat ng mahal na gas mula sa ibang bansa.

Isinusulong naman ng diyosesis ang pamumuhunan sa renewable energy kung saan batay sa datos ng Department of Energy, ang enerhiyang makukuha sa hangin at araw pa lamang ay aabot na sa higit 800 gigawatts (GW), habang marami rin itong maibibigay na trabaho kumpara sa fossil gas.

Sinususugan din ng Lucena Clergy ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na simulang talikuran ang mga bangko at institusyong sumusuporta sa mga mapaminsalang proyekto, at pagsisikap na matugunan ang lumalalang krisis sa klima ng bansa.

“Kaya ang panawagan naming mga kaparian: maging mapanuri sa pagsang-ayon sa ganitong proyekto; maging bukas ang isip sa pag-aaral, paggamit, at pagsusulong ng higit na mura at malinis na renewable energy; maging malaya sa pagtutol at pagpili ayon sa kanilang paninimbang ng walang pamimilit, paniniil, pananakot, o pagbabanta mula sa sinuman; at paghariin sa ating mga sarili ang idinidikta ng ating konsensya na naaayon sa kalooban ng Diyos,” saad ng Lucena Clergy.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 26,319 total reads

 26,319 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 124,846 total reads

 124,846 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 210,216 total reads

 210,216 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 256,953 total reads

 256,953 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 304,823 total reads

 304,823 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 402,506 total reads

 402,506 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,426 total reads

 172,426 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top