Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 528 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng iba’t ibang Kristiyanong mananampalataya—kasama ang mga Katoliko—ang Panahon ng Paglikha o Season of Creation. Nagsimula ito noong unang araw ng Setyembre at matatapos sa ika-4 ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan. Ipinagdiriwang ang Season of Creation upang magbigay-puri at magpasalamat sa kalikasang biyaya sa atin ng Diyos, bigyang-pansin ang kasalukuyang kalagayan nito, at kumilos na pangalagaan ito.  

Noong isang linggo, ibinalita ni Jose Cardinal Advincula ng Arkidiyosesis ng Maynila na nag-divest o inalis na ng arkidiyosesis ang kanilang mga investment sa mga mapaminsalang negosyo katulad ng coal-fired power plants. Isa ang coal sa pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya dahil pinalalala ng pagsusunog nito ang pag-init ng mundo na nagdudulot naman ng climate change. Ayon kay Cardinal Advincula, ang hakbang na ito ay sang-ayon sa ating pananampalataya at mga panlipunang turo ng Simbahan.  

Noong isang taon, matatandaang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang isang pastoral letter on ecology. Laman ng liham pastorál ang iba’t ibang panawagan sa lahat ng diyosesis, parokya, mga relihiyoso at layko na protektahan ang kalikasan. Kasama sa mga ito ang pag-alis ng pondo ng Simbahang nakalagak sa mga bangkong may investment sa mga proyektong mapanira sa kalikasan. Nariyan din ang non-acceptance policy o pagtanggi sa donasyong mula sa mga may-ari ng negosyo at kumpanyang sangkot sa mga gawaing sumisira sa kalikasan. Nanawagan din ang CBCP na palawigin ang mga formation program sa mga parokya tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, suportahan ang pagsasabatas ng Rights of Nature Bill, at papanagutin ang mga ahensya ng pamahalaang naatasang protektahan ang kalikasan.  

Sa katatapos lamang na pananalasa ng mga bagyo sa bansa—mula kay Goring, Hanna, hanggang kay Ineng—higit nating naramdaman ang pinsalang dulot ng pang-aabuso natin sa kalikasan. Milyun-milyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga ito sa agrikultura at imprastraktura. Matindi ang naging abala sa pag-aaral ng mga bata at sa paghahanapbuhay. May mga sakit ding dinala ang malawakang pagbaha, lalo na sa Gitnang Luzon. 

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hamon para sa sangkatauhan. Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahang tungkulin ng bawat isa sa ating pangalagaan ang kalikasan at siguruhing hindi ito naaabuso para sa interes ng iilan. Ang pang-aabuso sa kalikasan ay isang malaking anyo ng kawalan ng katarungan sapagkat sinisira nito ang maayos na ugnayan ng mga nilalang ng Diyos. Ibig sabihin, kapag inaabuso natin ang kalikasan at nakikita lamang natin ang halaga ng sanilikha batay sa ating pakinabang sa kanila, binabalewala rin ang ating relasyon sa ibang nilikha ng Diyos.  

Ito ang mensaheng nais iparating ng simbolong ginagamit sa pagdiriwang natin ngayon ng Season of Creation—ang dakilang ilog. Hango ang simbolong ito sa Amos 5:24: “… padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran katulad ng isang ‘di natutuyong batis.” Panawagan ito sa lahat ng mananampalatayang ituwid ang ating baluktot ugnayan sa sanilikha nang ang katarungan ay dumaloy na parang ilog. Ituring natin ang kalikasan hindi lamang batay sa kanilang praktikal na gamit, ngunit bilang mga kapwang nilikha ng Diyos.  

Mga Kapanalig, ngayong Season of Creation, sikapin nating baguhin ang ugnayan natin sa sanilikha. Maaari natin itong umpisahan sa mga simpleng pagbabago sa loob ng ating tahanan katulad ng pagtitipid sa tubig at kuryente. Makatutulong din ang pagtalima ng ating mga parokya at diyosesis sa mga mungkahi sa liham pastoral ng CBCP. Kung aktibo tayo sa ating mga parokya, alamin natin ang ginagawa nito upang pangalagaan ang kalikasan. Huwag sana tayong mapagod na itama ang kawalang-katarungan sa sanilikha.  

Sumainyo ang katotohanan.   

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 1,882 total views

 1,882 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 10,118 total views

 10,118 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 18,100 total views

 18,100 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 26,684 total views

 26,684 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 34,989 total views

 34,989 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 1,883 total views

 1,883 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 10,119 total views

 10,119 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

20-PESO RICE

 18,101 total views

 18,101 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 26,685 total views

 26,685 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top