Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapabuti sa kalagayan ng mga guro, hamon ng ACT sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 2,303 total views

Iginiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na pangunahan ang mga inisyatibong tulungang mapabuti ang kalagayan ng mga guro at sektor ng edukasyon sa Pilipinas.

Ito ang hamon ni Vladimer Quetua, ACT National Chairperson sa pagpapatuloy ng paggunita ng National Teachers Month simula September 05 at magtatapos sa araw ng International Teachers Day sa October 05.

Panalangin ni Quetua na paigtingin ng pamahalaan ang pakikinig sa hinaing ng mga guro upang matugunan ang mga suliranin na katulad ng kakulangan ng teaching force at mga classrooms sa mga pampublikong paaralan.

“kaya itong buwan ng mga guro hindi simpleng paggunita kungdi ito ay simpleng pagkakaroon ng mga aktibidades para doon sa panawagan sa gobyerno,so sa usapin na kilalanin yung nagawa ng mga teachers sa education sector at suportahan yung kaniyang panawagan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Quetua.

Unang mungkahi ng opisyal ng ACT ang pagdadagdag ng mga guro at pagtataas sa kanilang natatanggap na suweldo upang maging sapat ang teaching force ng Pilipinas kumpara sa dami ng mga estudyante.

“Binibigyan natin ng pagpupugay yung ating mga kapwa guro at mga education support personnel, saludo tayo sa kanila, ang tema ngayon ng international teachers day ay ‘Transformation Educations comes from teachers’ ibig sabihin malaking hamon sa atin at sa gobyerno narin na ang mga guro ay talagang dapat tulungan ng gobyerno,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Quetua.

Patuloy din ang Catholic Bishops’ COnference of the Philippines sa Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagkilala sa sakripisyo ng mga gurong nagsisilbing ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa kanilang paglaki.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 62,692 total views

 62,692 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 78,864 total views

 78,864 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 118,575 total views

 118,575 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 178,582 total views

 178,582 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 190,873 total views

 190,873 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top