Pagtatag ng Permanent Diaconate sa Pilipinas, inaprubahan ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,741 total reads

Inaprubahan na ng Vatican ang petisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtatatag ng Permanent Diaconate sa Pilipinas.

Ito ay kinumpirma sa pamamagitan ng liham mula sa Vatican Secretariat of State kung saan inaabisuhan na rin ang kalipunan ng mga obispo na makipag-ugnayan sa Dicastery for the Clergy upang talakayin ang mga panuntunan sa pagtatatag ng permanent deacons.

“I am pleased to inform you that the Holy Father has granted your petition, and you are hereby requested to contact the Dicastery for the Clergy concerning all further matters pertaining to the establishment of the Permanent Diaconate,” sinasaad ng liham na nilagdaan ni Archbishop Edgar Peña Parra ang Substitute of the Secretariat of State.

Ayon sa Secretariat of State ng Vatican ito ay bilang tugon sa kahilingan ng CBCP sa liham na may petsang July 25.

Nagpaabot din ng panalangin ang Santo Papa upang matagumpay na maitatag ang inisyatibo sa ikabubuti ng Simbahang katolika at mananampalataya sa Pilipinas.

Una na ring tinalakay sa nakalipas na CBCP plenary assembly ang usapin na sinang-ayunan ng mga obispo sa layuning palawakin ang saklaw ng ebanghelisasyon at serbisyo ng simbahan lalo na sa malalayong pamayanan.

Naniniwala naman si CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagkakaroon ng mga diakono na magiging katuwang sa mga parokya ay magiging tugon din sa kakulangan ng mga pari sa bansa.

Ayon sa Vatican, ang permanent diaconate ay maaring igawad sa isang binata o may asawa.

Ang mga diakono ay inordinahang klero bagama’t hindi bilang pari sa halip ang pangunahing tungkulin ay maging katuwang ng pari sa paglilingkod sa simbahan

Sa datos, tinatayang may 11-libo ang bilang ng mga pari sa buong Pilipinas na nangangasiwa sa higit 80-milyong katoliko sa buong Pilipinas.

 

Author: Marian Pulgo with Kenneth Corbilla

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,411 total reads

 25,411 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,161 total reads

 123,161 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,531 total reads

 208,531 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,268 total reads

 255,268 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,138 total reads

 303,138 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,898 total reads

 400,898 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,412 total reads

 25,412 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top