Hatol ng hukuman ng Kuwait sa pumaslang sa Pinay OFW, pinuri ng mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,595 total reads

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang hatol na pagkakakulong ng hukuman sa Kuwait laban sa pumaslang sa Filipina domestic helper na si Jullebee Ranara.

Ayon sa mambabata, isa itong positibong mensahe sa mga overseas Filipino workers (OFW) na makakamit ang katarungan sa kabila ng pagiging dayuhan sa ibayong dagat.

Nagpapasalamat din si Romualdez sa pamahalaan ng Kuwait na tumulong upang makamit ni Ranara ang katarungan.

“Her brutal killing shocked us to our core, especially the OFWs. This verdict goes a long way in assuaging their fears. All they want is to do decent work in order to build their families’ future,” ayon kay Romualdez.

Binigyan pasasalamat din ng mambabatas ang mga opisyal ng mga ahensya ng gobyerno, kaiblang na ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na tumutok sa kaso ni Ranara.

Ayon naman kay OFW Partylist Representative Ron Salo, habang ang naging hatol ay isang positibong hakbang marami pa ring kailangang gawin upang mapahusay ang pangangalaga sa mga Filipino Migrant Worker.

“Jullebee Ranara’s case is a stark reminder of the challenges faced by Filipino Migrant Workers in their pursuit of better opportunities overseas. The Filipino government, alongside the international community, must continue to collaborate to ensure the safety and welfare of our overseas workers,” ayon kay Salo.

Si Ranara ay ang 35-taong gulang na domestic helper sa Kuwait na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng kanyang employer noong Enero 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 27,595 total reads

 27,595 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 50,303 total reads

 50,303 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 86,803 total reads

 86,803 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 307,428 total reads

 307,428 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 340,462 total reads

 340,462 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top