Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,820 total views

24th Sunday of Ordinary Time Cycle C Catechists’ Day

Sir 27, 30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35

Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang panalanging itinuro ni Jesus na dasalin natin, may isang bahagi na mahirap tanggapin ng ilan. Iyon ay ang dasal natin na: PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA KASALANAN TULAD NG PAGPAPATAWAD NAMIN SA NAGKAKASALA SA AMIN. Mahirap itong matanggap kasi sinasabi natin sa Diyos na ang pagpapatawad na hinihingi natin sa kanya ay nakadepende sa pagpapatawad na ibinibigay natin sa iba. Parang bang sinasabi natin na huwag mo kaming patawarin kung hindi kami nagpapatawad. Hindi naman talaga bago ang kahilingang ito, kasi sa Lupang Tipan pa ay may ganito nang kaisipan. Kaya narinig natin sa ating unang pagbasa: “Ang nagtanim ng galit laban sa kapwa, pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa. Kung hindi ka nahabag sa iyong kapwa, paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan?” Kaya totoo na ang kapatawaran na ating matatanggap ay may kaugnayan sa kapatawaran na ating ibinibigay.

Binigyan ni Jesus ng diin ang kaugnayan ng kapatawaran na ibinibigay natin sa kapatawaran na matatanggap natin. Kapag ang isang tao ay nagkakasala, ano ang dapat nating gawin? Noong nakaraang Linggo sinabi ni Jesus na kailangan siyang ituwid. Pagsabihan siya para siya ay magbago. Ngayon, nakita nga niya ang kanyang pagkakamali at nagsisisi siya, ano ang dapat nating gawin? Siyempre patawarin siya. Pero kung paulit-ulit naman siyang nagkakamali at paulit-ulit ding humingi ng tawad, ilang beses natin siya patatawarin? Akala ni Pedro generous na siya noong sinabi niya na patatawarin ng pitong beses. Pero hindi pa pala. Ang sabi ni Jesus ay: hindi ko sinasabing makapitong beses kundi pitumpong uli pa dito. Sa pananalita noon, ang ibig sabihin ni Jesus ay huwag kang titigil sa pagpapatawad. At bakit? Dahil sa ang pagpapatawad na ibinigay natin ay walang-wala, ay kakaunting-kaunti, kung ihahambing sa pagpapatawad na tinatanggap natin mula sa Diyos. Ihinantulad ito ni Jesus sa isang tao na pinatawad ng sampung milyong piso na hindi nakapagpatawad ng limang daang piso. Imagine, ten million na ang pinatawad sa iyo at hindi ka pa makapagpatawad ng 500 pesos? Ang pagmamakaawa niya sa hari ay tulad din ng pagmamakaawa sa kanya ng kanyang kapwa alipin: “Bigyan po ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.” Kung titingnan natin hindi naman siya sincere sa kanyang pagmamakaawa. Paano niya mababayaran ang 10 million pesos? Napakalaking halaga iyan! Pero ang humihingi ng panahon na babayaran ang 500 ay mas sincere. Kaya naman bayaran ang 500 pesos. Pero hindi! Sinakal pa niya ito at ipinatapon sa bilangguan. Bakit siya ganyan? Wala siyang habag. Galit siya. Dapat magaan na ang loob niya kasi pinatawad na siya ng 10 million. Iba ang hari. Noong nagmakaawa siya, kinaawaan siya kaya kahit na napakalaki ng utang niya, pinatawad siya. May habag ang hari sa kanya. Siya’y walang awa. Kaya, siyang ayaw magpatawad ay hindi na rin pinatawad ng hari. Pinagbili ang lahat ng ari-arian niya at pinakulong siya hanggang mabayaran niya ang lahat. Hindi siya nakakaalis sa kulungan sa ganyang kalaking utang!

Kaya napakahalaga po ang magpatawad sa kapwa. Madalas lumalabas ang ganitong dahilan. Napakabigat ng kanyang ginawa na hindi ko malilimutan. Talagang nasaktan ako. Paano ko siya mapapatawad? Ang ating pagpapatawad ay hindi nagdedepende kung malilimot natin ang ginawa sa atin o hindi. Wala tayong control sa mga bagay na malilimot natin. Kung talagang nasaktan tayo, mahapdi ang ating damdamin. Mahirap itong makalimutan. Pero iba ang pagpapatawad. Ito ay nadidisisyunan. Magdisisyon tayo na magpatawad. Patatawarin ko siya kahit masakit pa sa dibdib ko ang kanyang ginawa sa akin. Ang ibig sabihin nito ay hindi ako maghihiganti. Hindi ako gagawa ng masama sa kanya. Hindi ko siya ipapahamak. Hindi ko siya ichichismis.

Pangalawa, ipagdarasal ko siya. Sinabi ni Jesus na ipagdasal natin ang umuusig o gumagawa ng masama sa atin. At ito ay ginawa ni Jesus mismo. Noong siya ay nakabitin sa krus ang dasal niya sa Diyos Ama ay: “Ama patawarin mo sila. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Siya pa ang nagpa-excuse sa kanila. Parang sinabi niya: Hindi naman sila masama. Ignorante lang sila. Kung alam lang nila kung ano talaga ang ginagawa nila – na pinapatay ang pinadala ng Diyos – hindi nila ito gagawin. Patawarin mo sila. Sa halip na mag-isip ng masasama sa gumawa ng masama sa atin, mag-isip ng mga dahilan na hindi magpasama sa kanila.

Kaya ano ang ating gagawin sa pagpapatawad? Una, huwag maghiganti. Pangalawa, ipagdasal ang kanilang kabutihan. At ang pangatlo, gumawa ng kabutihan sa kanila kung may pagkakataon. Maaaring ngitian sila, kausapin sila, ipakita na handa kang makipagtulungan sa kanila. Magagawa natin ang mga ito kung handa tayong lunukin ang ating pride. Madalas iyan naman talaga ang nagpapahirap na magpatawad – ang ating pride, ang ating kayabangan.

Akala natin nagagawan natin ng masama ang kaaway kaya nakakapaghiganti tayo kung patuloy tayong nagagalit. Kapag tayo ay galit, ang ating sarili ang ginagawan natin ng masama. Ang ating dibdib ang mabigat. Ang ating paningin ang nandidilim. May mga pag-aaral pa na nagsasabi na nakakadevelop ng tumor sa ating katawan ang galit. Iyan ay ang mga nabubuo na negative energies dahil sa galit natin. At ang tanging gamot lang sa galit ay ang pagpapatawad. Kaya tayo mismo ang nakikinabang kapag nagpapatawad tayo. Pinapalaya natin ang ating sarili sa sama ng loob kapag tayo ay nagpapatawad.

May isa pang payo si Sirak sa ating unang pagbasa: “Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit. Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang kautusan.” Ang anumang kasamaan na ginawa sa atin ay wala nang kabuluhan na panghawakan sa harap ng kamatayan. Ano pa ang magagawa ng galit mo kapag patay ka na? Ito pa ang magdadala sa iyong ng dagdag parusa. Pakawalan mo na ang iyong galit. Balewala na iyan sa harap ng Diyos.

Ang ikatlong Linggo ng September taon-taon ay Catechists’ Day. Inaalaala natin ang mga katekista. Sa ating Bikaryato ang catechesis ay isang pangunahang programa natin. Kaya nagtre-train tayo ng mga katekista. Kaya hinihikayat natin na magkaroon ng pagtuturo ng pananampalataya sa bawat chapel natin linggo-linggo, at nawa, sa school year na ito, payagan na ang mga katekista natin na makapagturo sa mga eskwelahan natin. Mahalaga po ang papel ng mga katekista. Sila ang naghahanda sa mga kabataan natin na tumanggap ng First Communion, ng First Confession at ng kumpil. Ginagabayan nila ang mga kabataan na mahalin ang Diyos at magdasal palagi. Kung kilala ng mga kabataan ang Diyos, madaling mahubog ang kaugalian nila tungo sa kabutihan. Ipagdasal at suportahan po natin ang ating mga katekista. Kaya magkakaroon tayo ng second collection para sa ating catechetical program sa bikaryato. Maging handa din tayo na maging katekista kung tinatawag tayo ng Diyos sa magandang gawaing ito.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 1,975 total views

 1,975 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 15,115 total views

 15,115 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 21,088 total views

 21,088 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 26,843 total views

 26,843 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 34,106 total views

 34,106 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 294 total views

 294 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,609 total views

 2,609 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,736 total views

 8,736 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,865 total views

 6,865 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,148 total views

 9,148 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,054 total views

 12,054 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,993 total views

 12,993 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,987 total views

 12,987 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,705 total views

 16,705 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,551 total views

 18,551 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,548 total views

 18,548 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,057 total views

 23,057 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,373 total views

 28,373 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,531 total views

 30,531 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,689 total views

 32,689 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top