4,253 total views
Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang hatol na pagkakakulong ng hukuman sa Kuwait laban sa pumaslang sa Filipina domestic helper na si Jullebee Ranara.
Ayon sa mambabata, isa itong positibong mensahe sa mga overseas Filipino workers (OFW) na makakamit ang katarungan sa kabila ng pagiging dayuhan sa ibayong dagat.
Nagpapasalamat din si Romualdez sa pamahalaan ng Kuwait na tumulong upang makamit ni Ranara ang katarungan.
“Her brutal killing shocked us to our core, especially the OFWs. This verdict goes a long way in assuaging their fears. All they want is to do decent work in order to build their families’ future,” ayon kay Romualdez.
Binigyan pasasalamat din ng mambabatas ang mga opisyal ng mga ahensya ng gobyerno, kaiblang na ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na tumutok sa kaso ni Ranara.
Ayon naman kay OFW Partylist Representative Ron Salo, habang ang naging hatol ay isang positibong hakbang marami pa ring kailangang gawin upang mapahusay ang pangangalaga sa mga Filipino Migrant Worker.
“Jullebee Ranara’s case is a stark reminder of the challenges faced by Filipino Migrant Workers in their pursuit of better opportunities overseas. The Filipino government, alongside the international community, must continue to collaborate to ensure the safety and welfare of our overseas workers,” ayon kay Salo.
Si Ranara ay ang 35-taong gulang na domestic helper sa Kuwait na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng kanyang employer noong Enero 2023.