MARTES, OKTUBRE 3, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,421 total views

Martes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Zacarias 8, 20-23
Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7

Ang ating Panginoong D’yos
ay kapiling nating lubos.

Lucas 9, 51-56

Tuesday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Zacarias 8, 20-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Ito ang ipinasasabi ng Panginoon:
“Darating sa Jerusalem ang mga taga-iba’t ibang bayan. Sila’y magyayayaan: ‘Tayo na sa Panginoon. Hanapin natin siya at mamanhik tayo sa kanya. Ako man ay pupunta roon.’ Maraming tao at bansang makapangyarihan ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog sa Panginoon. Sa araw na yaon, sampu-sampung dayuhan ang mangungunyapit sa bawat Judio at makikiusap na isama sila dahil sa balitang ang mga Judio ay pinapatnubayan ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7

Ang ating Panginoong D’yos
ay kapiling nating lubos.

Sa bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod.
ang lungsod na ito’y
higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.
Kaya’t iyong dinggin
ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lungsod ng Diyos.

Ang ating Panginoong D’yos
ay kapiling nating lubos.

Pag itinala ko
yaong mga bansang sa iyo’y sasama,
aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;
ibibilang ko rin yaong Filistia, Tiro at Etiopia.
At tungkol sa Sion,
yaong sasabihi’y, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Ang ating Panginoong D’yos
ay kapiling nating lubos.

Ang Poon ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Ang ating Panginoong D’yos
ay kapiling nating lubos.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mapagpaumanhin ang Diyos at alam niya ang ating mga pagdurusa. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa ating pagbabalik-loob at pagpapanibagong buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umunlad nawa kami sa pagiging kawangis ng iyong anak.

Ang Kristiyanong sumasampalataya nawa’y pakinggan ang panawagan ng Diyos sa pananalig at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan upang italaga natin ang ating sarili na maging malaya kay Kristo ang mga nakapiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa liwanag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong mahabagin at mapagmahal, pakinggan mo ang mga hinaing ng mundong nakakulong sa pagdurusa at kasalanan. Sa pamamagitan ng iyong anak na puspos ng kagandahang-loob, hinihingi namin sa iyo ang biyaya upang makasunod kami sa kanya palagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Para sa isang smartphone?

 130,635 total views

Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone?

Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50 milyong social media followers niya kamakailan. Magpapa-raffle daw siya ng 100 smartphones sa 100 niyang followers. Pero may isang kondisyon: kailangang i-follow ang social media page ng online gambling platform na ineendorso niya. Hindi nagtagal, naging viral ang video at umabot ito sa mahigit 280 milyong views, mahigit 8 milyong reactions, at mahigit 7 milyong comments.

Maaaring isipin ng ilan: anong masama sa pag-follow sa social media page ng isang casino kung bagong cellphone ang magiging kapalit? Lisensyado rin naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR) ang naturang online casino, kaya hindi naman iligal sumali sa raffle, ‘di ba?

Ang bawat “follow” o “like” sa social media page ng isang online gambling platform ay tumutulong para mas lalo pa itong makita ng mas maraming tao, kasama ang mga bata. Dahil sa paraan ng paggana ng mga algorithm sa social media, mas madalas na lalabas sa ating feeds ang mga katulad nitong nilalaman. Unti-unti nitong ginagawang ordinaryong libangan ang pagsusugal online. Pero maraming pag-aaral na ang nagpapakitang ang pagsusugal ay maaaring humantong sa pagkabaón sa utang, matinding stress at mental health issues, pagkasira ng pamilya, at pagkalulóng sa sugal na mahirap nang takasan.

Dito lalong nagiging mahalaga ang papel ng mga influencers. Kamakailan ngna, kinilala pa bilang “Best Public Service Show” ang programa ng social media influencer na endorser din ng online gambling. Kapag ganito kalaki ang impluwensya ng isang personalidad, mas malaki rin ang pananagutan niyang gamitin ang kanyang plataporma nang may pag-iingat.

Hindi maliit ang problema ng pagsusuggal. Ayon sa PAGCOR, umabot na sa mahigit 32 milyon ang tinatawag na electronic gaming players sa Pilipinas. Tinatayang mahigit 100 bilyong piso ang kinikita ng pamahalaan mula sa online gambling kada taon. Gayunman, kinikilala rin mismo ng PAGCOR ang panganib nitogaya ng iresponsableng pagkaubos ng pera, pinansyal at emosyonal na paghihirap, pagkasira ng pamilya, at matinding kalungkutan. Sinasabi ng gobyernong hinihigpitan nito ang ilang online gambling services, kabilang ang pagtanggal ng in-app gambling access sa ilang mobile payment applications. Naglunsad din ang PAGCOR ng National Problem Gambling Helpline upang magbigay ng libreng counseling sa mga dumaranas ng gambling addiction. 

Pero sapat na ba ang mga ito kapag nalulong na sa online gambling ang isang tao?

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) para sa mas mahigpit na aksyon laban sa online gambling. Inilarawan nila ang pagsusugal online bilang isang ”morál at panlipunang krisis“ at nagbabaláng isa na itong bagong virus na sumisira sa mga tao, pamilya, at lipunan. Dagdag pa ng CBCP, kasalanan ang pagsasamantala sa kahinaan ng mga tao para lamang kumita, lalo na kung mga kabataan at mahihirap ang pangunahing naaapektuhan.

Paalala rin sa atin ng Lucas 12:15: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Kapag ang perang dapat sana ay pambili ng pagkain, pambayad ng kuryente, o pampaaral ng mga anak ay napupunta sa pagsusugal, magdurusa ang buong pamilya.

Mga Kapanalig, hindi dapat maging kapalit ng pagkakataong manalo ng isang smartphone ang pagpapakita ng suporta sa online gambling. Kasabay ng malaking impluwensya ay malaking pananagutan. Gamitin sana ng mga influencers na may milyun-milyong followers ang kanilang plataporma sa tunay na mabuti sa halip na gawing pangkaraniwan ang isang gawaing kayang sumira ng buhay. Hindi lahat ng ligal ay tama, kaya hindi natin dapat hayaang maging normal ang online gambling dahil kinabukasan ng maraming Pilipino ang maaaring maging kapalit nito.

Sumainyo ang katotohanan.

Pax Silica

 169,943 total views

Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan ang ating binubuo gamit ang AI—at ano ang magiging kapalit nito? 

Abril ngayong taon nang sumali ang Pilipinas sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pandaigdigang supply chain para sa AI. Layunin nitong bawasan ang pagdepende sa China, na nangunguna ngayon sa produksyon at pagproseso ng mahahalagang mineral at iba pang materyales na kailangan sa makabagong teknolohiya.

Sa pagsali ng Pilipinas, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 1,620 na ektaryang lupa sa New Clark City sa Tarlac—halos kasinlaki ng Pasay City—para sa kauna-unahang “AI-native industrial acceleration hub.” Doon gagawin ang mga semiconductors na gagamitin naman sa mga computer chips na inilalagay sa mga electronics. Doon din ipoproseso ang mga critical minerals na gagamitin sa paggawa ng mga baterya, semiconductor, at iba pang makabagong teknolohiya. Itatalaga ito bilang isang Economic Security Zone (ESZ) sa ilalim ng joint governance framework na kasalukuyang pang isinasapinal ng Pilipinas at US.

Nitong Hulyo, muling umingay ang usapin tungkol sa Pax Silica matapos ihayag ni Finance Secretary Frederick Go na itinuturing ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na “top priority” ang inisyatiba. Dahil dito, minamadali na nila ang pagbuo ng naturang joint governance framework. Target ng dalawang panig na maisapinal at maisapubliko ito sa ASEAN Summit sa Nobyembre, na inaaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump.

Ayon sa pamahalaan, isang pambihirang pagkakataon ang mapasali sa Pax Silica para makasabay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at AI. Ipinangako rin nitong hindi lamang lilikha ng libu-libong trabaho at magpapasok malaking kita ang inisiyatiba, kundi maghihikayat din ng mas maraming mamumuhunan, kumpanya, at inobasyon.

Ipinaaalala sa Catholic social teaching ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na ang paggamit ng AI ay hindi “purely technical” lamang. Kapag ang proseso sa likod ng AI ay negatibo nang nakaaapekto sa ating buhay, lipunan, at kapaligiran, hindi na sumasapat ang anumang pangako na trabaho, pamumuhunan, at inobasyon. 

Pinangangambahan kasi ang negatibong epekto ng mga data centers na kailangan sa AI. Ang mga data centers na nagsisilbing “utak” ng AI ay kailangang palamigin gamit ang hanggang limang milyong galon ng tubig kada araw—katumbas ng pang-araw-araw na pangangailangan ng isang munisipalidad na may 10,000 hanggang 50,000 residente! Siyempre, gagamit din ang mga data centers ng maraming kuryente. Kapos na nga tayo ngayon sa tubig at kuryente, heto at aagawan pa tayo ng mga data centers! Dapat itong linawin ng mga nagsusulong ng Pax Silica. 

Lubos na nakababahala rin ang epekto ng AI sa ating likas na yaman. Pinangangambahang lalawak ang pagmimina ng mga critical minerals na kailangan sa paggawa ng mga teknolohiyang nagpapatakbo sa AI. Marami na sa ating mga kabundukan at kagubatan ang nakalbo dahil sa pagmimina. Ibang usapan pa ang paglawak ng mga minahan sa mga lupang ninuno ng ating mga katutubo. Ano pa ang matitira kung lalo pang lalawak ang mga ito?

Mga Kapanalig, paalala sa atin sa Genesis 2:15 na inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa Eden upang ito ay alagaan at pagyamanin. Hindi ipinagkatiwala sa atin ang kalikasan para ubusin, kundi para pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Ang pangangalaga sa sangnilikha ay hindi hadlang sa pag-unlad. Ito pa nga ang nagsisiguro na ang pag-unlad ay makakamit natin. Kaya manindigan tayo para sa isang pag-unlad na may pananagutan sa kalikasan, dahil ang kalikasang winawasak natin ngayon ang siya ring magtatakda ng hangganan ng ating pag-unlad bukas.

Sumainyo ang katotohanan.

SINCE THE BEGINNING

 25,720 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa isang smartphone?

 130,636 total views

 130,636 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 169,944 total views

 169,944 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 200,379 total views

 200,379 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 315,716 total views

 315,716 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 337,679 total views

 337,679 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 3, 2026

 1,355 total views

 1,355 total views Lunes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 28, 1-17 Salmo 118, 29. 43. 79. 80. 95. 102 Poon, ituro mo sa

Read More »

Linggo, Agosto 2, 2026

 2,738 total views

 2,738 total views Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 1-3 Salmo 144, 8-9. 15-16. 17-18 Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal. Roma 8,

Read More »

Sabado, Agosto 1, 2026

 4,395 total views

 4,395 total views Paggunita kay San Alfonso Maria ng Ligouri, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 26, 11-16. 24 Salmo 69, 15-16. 30-31. 33-34 Poon, ako’y

Read More »

Biyernes, Hulyo 31, 2026

 5,807 total views

 5,807 total views Paggunita kay San Ignacio ng Loyola, pari Jeremias 26, 1-9 Salmo 69, 5. 8-10. 14 Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw. Mateo 13,

Read More »

Huwebes, Hulyo 30, 2026

 6,829 total views

 6,829 total views Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan Jeremias 18, 1-6 Salmo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top