Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, OKTUBRE 4, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,513 total views

Paggunita kay San Francisco de Asis

Nehemias 2, 1-8
Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

Lucas 9, 57-62

Memorial of St. Francis of Assisi (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Nehemias 2, 1-8

Pagbasa mula sa aklat ni Nehemias

Noong panahong iyon, ako ang namamahala sa mga inumin ng hari. Isang araw, buwan ng Nisan, ikadalawampung taon ng paghahari ni Artajerjes, dinulutan ko siya ng kanyang inuming alak. Napansin niyang ako’y malungkot. Noon lamang niya ako nakitang gayun. Tinanog niya ako, “Bakit ka nalulungkot? Tingin ko sa iyo’y wala kang sakit, bakit ka ganyan?
Sinidlang ako ng takot. Gayunma’y sinabi ko sa hari, “Nawa’y ingatan kayo ng Diyos, habang panahon! Nalulungkot po ako sapagkat ang lungsod na pinaglibingan ng aking mga ninuno ay wasak at sunog ang mga pintuan.”

“O, ano ngayon ang ibig mo?” tanong ng hari.

Tumawag ako sa Diyos, at pagkatapos sinabi ko sa hari, “Kung pahihintulutan po ninyo ako, Kamahalan, nais kong umuwi sa Juda upang itayong muli ang binaggit kong lungsod.”

Sinabi sa akin ng hari na noo’y katabi ng reyna, “Gaanong katagal ka roon? Kailan ka babalik?” Nagtaning ako ng panahon at malugod naman akong pinahintulutan. Nakiusap akong bigyan din ng mga liham para sa mga gobernador sa ibayo ng ilog upang paraanin ako patungong Juda. Sa aking pakiusap ay gumawa na rin siya ng sulat para kay Asaf, ang tagapamahala ng kagubatan upang bigyan ako ng kahoy na gagamitin sa pintuan ng muog ng templo, ng pader ng lungsod at ng tahanang aking titirhan. Ang lahat ng ito ay ginawa ng hari dahil sa kabutihan ng Diyos sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia,
kami roo’y nakaupong tumatangis, sa tuwinang
ang iniwan naming Sion ay aming maalaala.
Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila
isinabit namin doon, yaong dala naming lira.

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig,
na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig,
tungkol sa Sion, yaong paksa, ninyong nais nilang awit.

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

Pa’no namin aawitin, ang awit ng Panginoon,
samantalang bihag kaming nangingibang bayan noon?
Ayaw ko nang ang lira ko’y hawakan pa at tugtugin,
kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem.

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

Di na ako aawit pa, kung ang lundong sasapitin
sa isip ko’t alaala, ika’y ganap na limutin,
kung ang kaligayahan mo ay hindi ko hahangarin.

Kung ika’y aking limutin,
wala na ‘kong aawitin.

ALELUYA
Filipos 3, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Tana’y aking tatalikdan
upang si Kristo’y makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 57-62

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang akin ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Iniluluhog natin sa Diyos Ama ang ating mga pangangailangan dahil tinawag tayo ng kanyang Anak na si Jesus upang sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig para sa biyaya na tanggapin ang pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap kay Kristo.

Ang mga pinuno ng Simbahan at lahat ng nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y masigasig na magpatuloy sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad nawa’y mapanibago sa araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa mas maganda at mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan na ng pag-asa dahil sa mga kasalanan nawa’y mapagtanto na kasama nating naglalakbay ang ating Panginoon at tinutulungan tayo sa pagpasan ng ating krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng karamdaman o pagkakasakit nawa’y mabigyang lakas-loob ng kasiyahang mula sa Diyos sa pamamagitan ng kalinga at pag-aaruga ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sumunod kay Jesus sa buhay na ito nawa’y makapasok sa walang hanggang presensya ng Diyos sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa langit, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 46,742 total views

 46,742 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 92,465 total views

 92,465 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 94,675 total views

 94,675 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 166,400 total views

 166,400 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 175,497 total views

 175,497 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 18, 2026

 2,324 total views

 2,324 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Sirak 48, 1-15 Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7 Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 17, 2026

 3,899 total views

 3,899 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 2, 1. 6-14 Salmo 30, 20, 21. 24 Magpakatatag ang tanang may tiwala

Read More »

Martes, Hunyo 16, 2026

 3,901 total views

 3,901 total views Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 17-29 Salmo 50, 3-4. 5-6a. 11 at 16 Poon, iyong kaawaan kaming

Read More »

Lunes, Hunyo 15, 2026

 5,830 total views

 5,830 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 5,115 total views

 5,115 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top