Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,978 total reads

Ang human trafficking ay isa na namang problema ng bayan na nagsanga mula sa kahirapan. Ito ay nagpapahirap pa lalo sa ating mga mamamayan. Ito ay isang krimen kung saan ang mga tao, lalong-lalo ang mga babae at bata, ay niloloko at inaabuso para sa prostitusyon, pang-aalipin, o illegal labor.  Ang human trafficking, kapanalig, ay “crime against humanity.” Ang mga bansang mahihirap, gaya ng Pilipinas, ang karaniwang biktima nito.

Ang human trafficking ay isa nga sa mga dahilan kung bakit marami ang nagnanais na ipasara na ang mga POGOs dito sa ating bansa. Ayon nga sa isang report sa senado, nagiging sentro ng human trafficking activities sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa mga POGOs.

Kailangan pa palakasin ng bayan ang pagbabantay ng human trafficking at pagsugpo nito. Atin mang namintina ang Tier 1 ranking sa Trafficking in Persons Report 2023 – ibig sabihin nito ay ating naabot ang minimum standards sa paglaban sa trafficking in persons – marami pa rin tayong kailangang gawin. Ayon na rin mismo sa report, medyo kulang ang effort o ginawa ng bayan para imbestigahan o ihabla ang mga labor trafficking crimes na nangyayari mismo sa loob ng bansa. Mas kaunti na rin ang ating naitalang biktima at naihablang human traffickers. Maliban pa dito, talamak pa rin ang korupsyon at pag kuntsaba ukol sa human trafficking, kaya nagiging hadlang pa ito sa pagsugpo ng nasabing krimen. Base din sa report, nagkukulang na rin tayo sa pagprotekta sa mga biktima.

Alam natin na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nabibiktima ng krimen na ito. Ang kawalan ng oportunidad sa trabaho at kakulangan sa access edukasyon, na kadalasang mula din sa kahirapan, ang nagtutulak pa lalo sa ating mga kababayan na patusin ang mga panloloko ng mga human traffickers. Marami din, dahil sa mababang kamalayan, napapaniwala ng mga human traffickers sa mas malaking kita at mas maginhawang buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa No Longer Slaves:  the victims of human trafficking and slavery are people who look for a way out of a situation of extreme poverty; taken in by false promises of employment, they often end up in the hands of criminal networks which organize human trafficking.

Dahil sa human trafficking, kapanalig, marami tayong mga kababayan ang naitatali sa trabahong nagnanakaw ng kanilang karapatan at dignidad. Marami sa kanila ang nagdudusa at nag-iisa. Hanggang kailan ba natin sila pababayaan?

Nawa’y maantig tayo sa mga kataga mula sa Evangelii Gaudium: How I wish that all of us would hear God’s cry: “Where is your brother?” (Gen 4:9). Where is your brother or sister who is enslaved? Where is the brother and sister whom you are killing each day in clandestine warehouses, in rings of prostitution, in children used for begging, in exploiting undocumented labour? Let us not look the other way. There is greater complicity than we think.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 26,420 total reads

 26,420 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 74,455 total reads

 74,455 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 175,721 total reads

 175,721 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 245,897 total reads

 245,897 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 330,905 total reads

 330,905 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 26,421 total reads

 26,421 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 74,456 total reads

 74,456 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 175,722 total reads

 175,722 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 245,898 total reads

 245,898 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »
Scroll to Top