Archdiocese of Manila, aagapay sa mga biktima ng bagyong Nina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Agad na tutugunan ng Archdiocese of Manila ang apela na tulong ng mga Dioceses na dumanas ng matinding pinsala dulot ng bagyong Nina.

Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nakikipag-ugnayan na ang Caritas Manila sa mga apektadong Diyosesis para sa agarang relief operations at shelter assistance sa mga apektadong residente.

Nauna rito, inihayag ni Msgr.Clemente Ignacio, Vicar-General ng Archdiocese of Manila na umaapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parishes ng Archdiocese of Manila na maging handa para i-assists ang mga local government units na hihingi ng suporta sa simbahang Katolika.

“His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle appeals to the parishes to be ready to assist local government units in case they come to us.The government is doing its best to protect our citizens especially the vulnerable and homeless,” bahagi ng mensahe ni Msgr.Ignacio sa Radio Veritas.

Inihayag naman ni Arnaldo Arcadio, emergency program manager ng Catholic Relief Service sa Radio Veritas na magsasagawa sila ng “post disaster assessment” sa Catanduanes,Albay at Camarines Sur na isinailalim na sa state of calamity bunsod ng hagupit ng bagyong Nina.

Kaugnay nito, umaapela na ng tulong ang Diocese of Gumaca matapos silang masalanta ng bagyo.

Ayon kay Fr. Tony Aguilar, social action center director ng Diocese of Gumaca, labis na naapektuhan ang Bondoc Peninsula partikular na ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, San Franciso at Mulanay at tatlong iba pa.

Ang Bondoc Peninsula ay ang katimugang bahagi ng Quezon province sa Calabarzon region kung saan nasasakupan nito ang 12 munisipalidad sa lalawigan.

Sinabi ng pari na may mga bahay na nasira lalo na yung nasa coastal areas.

Dagdag ni Fr. Aguilar, 70-80 porsiyento rin ng mga palayan at sagingan ang nasira kaya’t nangangailangan sila ng tulong para sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga Bondoc Peninsula.

“Ang diocese of Gumaca lalo na sa Bondoc Peninsula partikular na sa San Narciso, San Andres, Mulanay ay lubha silang naapektuhan ng bagyo, may mga bahay na nasira especially sa coastal areas, ang kanilang mga taniman gaya ng palayan at sagingan 70-80 porsiyento nasira. Nangangilangan kami ng tulong sa pagkain para sa mga immediate na pangangailangan nila na maibibigay natin. Nakikipag-ugnayn din ang diocese para matulungan ang iba pang parokya at municipality. Sa Gumaca meron kaming kuryente at tubig pero ang Bondoc Peninsula noong isang gabi wala na silang kuryente until now, kaya problema din naming ang communication sa aming mga coordinators at mga parish. Sa mga nais tumulong, maaring makipag-tulungan sa tanggapan ng SAC sa Gumaca,” ayon kay Fr. Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.

Read: http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-umapela-ng-tulong/

Sa kasalukuyan, inihayag ni Diocese of Legazpi Social Action Center director Father Rex Arjona na patuloy ang kanilang ginagawang assessment sa mga sinalanta ng bagyong Nina sa bayan ng Tiwi, Malinao, Oas,Polangui, Libon at Tabaco na lubog sa tubig baha.

Inihayag sa Radio Veritas ni Father Arjona na walang kuryente at nasira din ang water system sa ilang bahagi ng lalawigan ng Albay habang 3-casualties ang naitala sa bayan ng Polangui.

Read: http://www.veritas846.ph/assessment-ng-diocese-legazpi-sa-naapektuhan-ni-nina-nagpapatuloy/

Kaugnay nito, patuloy ding umaapela ng tulong ang Damay Kapanalig para sa mga biktima ng bagyo.

Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-typhoon-nina/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,344 total reads

 23,344 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,438 total reads

 57,438 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 93,921 total reads

 93,921 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,132 total reads

 112,132 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,228 total reads

 195,228 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,902 total reads

 216,902 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 356,005 total reads

 356,005 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top