Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Ang Mabuting Balita, 20 Oktubre 2023 – Lucas 12: 1-7

LABIS NA MAHALAGA

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupat nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo – ito’y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan.

“Sinabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”

————

May kasabihan sa Ingles, “Birds of the same feather, flock together.” Ibig sabihin, madalas ang pinipili natin maging kaibigan ay yung mga taong katulad natin. Kaya, kung tayo ay mabait, pinipili nating maging kaibigan ang mga taong mababait. Kung tayo naman ay masama, pinipili nating maging kaibigan ang mga taong masama. Isang simpleng halimbawa ay yaong sa isang mag-aaral. Kung nais ng mag-aaral na maging magaling sa paaralan, pipiliin niyang maging kaibigan ang mga mag-aaral na mahilig mag-aral. O sa lugar na pinaghahanap buhayan, kung gusto ng isang manggagawa na maging mahusay sa trabaho, sisikapin niyang maging malapit sa isang manggagawa na masipag at masikap, atbp..

ANG ATING PINIPILI ang siyang magiging buhay natin. Hindi natin maaaring sisihin na lang lagi ang kalagayan o sitwasyon natin o mga taong nasa paligid natin. Maaari nating piliin na maging pinakamahusay na tao kung pipiliin nating gabayan tayo ng mga taong magtuturo sa atin ng kabutihan. Maaari nating piliing matuto sa mga taong magtuturo sa atin ng tamang landas sa buhay. Maaari nating piliin na maglalapit sa Diyos na pinakamakapangyarihan at may kakayahang ibigay sa atin ang lahat ng biyaya upang manatiling matatag at mabuti sa gitna ng mga taong nagnanais na sirain ang ating espiritu upang tayo ay mabulid sa impiyerno. Sinasabi ni Jesus na huwag tayong matakot sapagkat sa Diyos, tayo ay LABIS NA MAHALAGA!

Panginoon, turuan mong piliin namin lagi ang Diyos!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 58,927 total reads

 58,927 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 91,970 total reads

 91,970 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 193,796 total reads

 193,796 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 234,354 total reads

 234,354 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 252,463 total reads

 252,463 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT BLESSING

 7,433 total reads

 7,433 total reads Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24 GREAT BLESSING The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even

Read More »

GREAT TRUST

 11,659 total reads

 11,659 total reads Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10 GREAT TRUST The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest

Read More »

FAMILY UPBRINGING

 4,978 total reads

 4,978 total reads Gospel Reading for October 01, 2026 – Luke 10: 1-12 FAMILY UPBRINGING Jesus appointed seventy-two other disciples whom he sent ahead of him

Read More »

NOT ALL CROSS AND SUFFERING

 4,456 total reads

 4,456 total reads Gospel Reading for September 30, 2026 – Luke 9: 57-62 NOT ALL CROSS AND SUFFERING As Jesus and his disciples were proceeding on

Read More »
Scroll to Top