Katoliko sa buong mundo, umabot na sa 1.3-bilyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,512 total reads

Sa nalalapit na paggunita ng simbahan sa 97th World Mission Sunday sa October 22, isinapubliko ng Fides News Agency ng Vatican ang pagtaas ng bilang ng mananampalatayang Katoliko.

Bagamat sa pagdami ng mga katoliko ay bumaba naman ang bilang ng mga pari at relihiyoso.

Ayon sa ulat, sa pagtatapos ng taong 2021 umaabot sa 1.375 billion ang bilang ng mga mananampalataya sa buong mundo na may 16.24 million pagtaas kumpara sa taong 2020.

Ang pagtaas ay mula sa lahat ng kontinente, lalo na sa mga bansa sa Africa at America maliban na lamang sa Europa.

Sa kabila nito ang bahagyang pagbaba ng pandaigdigang porsiyento ng mga katoliko sa 17.67 percent.

Bumaba rin ang kabuuang bilang ng mga obispo at pari na mula sa dating bilang na 407,872 ay nabawasan ng higit sa dalawang libo kung saan ang 900 ay diocesan at 1,400 ang Religious priest.

Bunsod nito,ang bawat pari ay pinangangasiwaan ang higit sa tatlong libong kawan.

Sa ulat, patuloy ang pagtaas ng bilang ng permanent deacons na naitala sa 49,176.

Nabatid sa isinapublikong tala na ang simbahang katolika ay may 74,368 kindergarten na may higit sa pitong milyong mag-aaral; 100,939 primary schools na may 34.7 milyong estudyante at 49,868 secondary school na may higit 19 milyong mag-aaral.

Ang Charity at Health care centers sa buong mundo na pinangangasiwaan ng simbahan ay naitala sa 5,405 na hospital at 15,276 ang mga tahanan para sa mga matatanda, may karamdaman, at kapansanan.

Umaabot din sa 9,703 ang mga orphanage na ang pinakamarami ay matatagpuan sa Asya na naitala sa bilang na 3,230.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 37,129 total reads

 37,129 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 172,043 total reads

 172,043 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 257,427 total reads

 257,427 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 321,259 total reads

 321,259 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 399,721 total reads

 399,721 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top