Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,471 total reads

Ang Mabuting Balita, 22 Oktubre 2023 – Mateo 22: 15-21

IMBITASYON

World Mission Sunday

Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at pinag-usapan kung paano nila masisilo si Jesus sa kanyang pananalita. Kaya pinapunta nila sa kanya ang ilan sa kanilang mga alagad, kasama ang ilang tauhan ni Herodes. Sinabi nila, “Guro, nalalaman naming kayo’y tapat, at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong pinangingimian sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa tao. Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na bumuwis sa Cesar, o hindi?” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang masamang layon kaya’t sinabi niya, “Kayong mapagpaimbabaw! Bakit ibig ninyo akong siluin? Akin na ang salaping pambuwis.” At siya’y binigyan nila ng isang denaryo. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Jesus, “Sa Cesar po,” tugon nila. At sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.”

————

Katatapos lang ikwento ni Jesus sa kanila ang talinghaga tungkol sa Kasalan ng anak ng hari, kung saan hindi dumalo ang mga inimbita, kaya’t inimbita ang mga nasa lansangan na hindi unang inimbita. Pakiramdam ng mga escriba at Pariseo, sila ang itinutukoy na unang inimbita. Tinapos pa ni Jesus ang talinghaga sa, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.” Sapagkat ipinagmamalaki nila na sila ang mga taga-salin ng Batas ni Moises at sila ay nakahihigit sa iba sa larangan ng relihiyon, maaaring iniisiip nila na sila ang “kakaunting pinili.” Ngunit, sa maraming pagkakataon, sinasabihan sila ni Jesus tungkol sa kanilang pagpapaimbabaw, o ang hindi pagkakatugma ng kanilang salita sa gawa. Inilantad ni Jesus ang kanilang kaluluwa kaya’t napuno sila ng galit, at kinailangan nilang maghanap ng iba pang maipaparatang sa kanya. Sa pagkakataong ito, gumawa sila ng paraan upang ang pamahalaan ay maging kalaban ni Jesus. Ngunit, hindi nagwagi ang kanilang “entrapment operation” sapagkat hindi problema kay Jesus ang pagbabayad ng buwis sa mga Romano.

Kapag tayo ay tinatamaan ng Salita ng Diyos, ito ay isang IMBITASYON SA KALIGTASAN. Ang Salita ng Diyos ay hindi ipinahahayag upang tayo ay masaktan or husgahan. Ito ay laging patungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa atin! Kapag tayo ay nasiyahan sa Salita ng Diyos, ito ay isang IMBITASYON NA MAKIISA SA MISYON NG PAGLILIGTAS NI KRISTO.

“Magsalita po kayo, Yahweh. Nakikinig po ang inyong lingkod.” (1 Samuel 3: 9-10)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 37,809 total reads

 37,809 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 172,691 total reads

 172,691 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 258,075 total reads

 258,075 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 321,907 total reads

 321,907 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 400,332 total reads

 400,332 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO REGRETS

 8,895 total reads

 8,895 total reads Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44 NO REGRETS As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept

Read More »

MULTIPLY

 5,067 total reads

 5,067 total reads Gospel Reading for November 18, 2026 – Luke 19: 11-28 MULTIPLY While people were listening to Jesus speak, he proceeded to tell a

Read More »

HINDRANCE

 5,804 total reads

 5,804 total reads Gospel Reading for November 17, 2026 – Luke 19: 1-10 HINDRANCE At that time Jesus came to Jericho and intended to pass through

Read More »

NOTHING WITHOUT ACTION

 4,877 total reads

 4,877 total reads Gospel Reading for November 16, 2026 – Luke 18: 35-43 NOTHING WITHOUT ACTION As Jesus approached Jericho a blind man was sitting by

Read More »
Scroll to Top