445 total views

29th Sunday of Ordinary Time Cycle A

World Mission Sunday

Is 45:4-6 1 Thess 1:1-5 Mt 22:15-21

Kaunting kasaysayan lang. Noong panahon ni Jesus ang mga Judyo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Romano. Walang silang independence. At mabigat ang kamay ng mga Romano sa kanila – mataas ang buwis sa kanila at gumagamit ang mga Romano ng mga tuta nila upang pagharian sila, tulad ni Herodes. Hari siya na iniluklok ng mga Romano at nang-aabuso siya ng kanyang kapangyarihan. Pinapakulong niya at pinapatay ang maibigan niya, tulad ng ginawa niya sa kanyang asawa, sa kanyang anak at kay Juan Bautista. Dahil dito ayaw ng mga Hudyo na magbigay ng buwis sa mga Romano pero wala naman silang magawa.

Ang mga pariseo ay mga Hudyo na strikto ang kanilang pagtupad sa batas ni Moises. Ang mga Herodians naman ay mga tauhan ni Herodes na kumakampi sa mga Romano. Nagsanib-fuersa ang dalawang grupong ito sa kanilang pagkagalit kay Jesus. Gusto nilang masilo si Jesus upang masiraan siya sa mga tao at upang may dahilan silang ipadakip siya. Ito ang dahilan ng kanilang tanong. Sumipsip pa sila kay Jesus upang palambutin ang kanyang puso. Kinikilala nila na siya ay isang tapat na guro. Katotohanan lang at ang ibig ng Diyos ang kanyang itinuturo. Hindi siya nagpapadala sa public opinion. Ang mahalaga sa kanya ay hindi ano ang sasabihin ng mga tao kundi ano ba ang kalooban ng Diyos. Talagang ganito si Jesus pero hindi naman siya madaling mabola ng ganitong papuri.

Ang tanong nila ay naaayon ba sa kautusan ng mga Hudyo na magbuwis sa mga Romano o hindi. Ang Cesar ay ang emperador ng mga Romano. Ang sagot na inaasahan nila ay oo o hindi, at sa anuman dito mapapasama si Jesus. Kung sasabihin ni Jesus na naaayon sa kautusan at dapat silang magbuwis sa mga Romano, madidisgusto ang mga tao sa kanya kasi galit nga sila sa mga Romano. Kung sasabihin niya na hindi ayon sa kautusan at huwag silang mabigay ng buwis, maisusumbong naman nila si Jesus sa mga Romano at ituturing siyang rebelde. Pero matalino si Jesus. Alam niya ang dahilan ng kanilang tanong kaya ang sagot niya ay hindi nila inaasahan. Humingi siya ng pera ng mga Romano na siyang ginagamit noon. Sa perang iyon ay nakatatak ang larawan ng Cesar, ang Roman emperor noon. May ganitong pera sila, na ibig sabihin, nakikinabang sila sa sistema ng mga Romano. Tinanong sila ni Jesus: “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” “Sa Cesar po!” Tama sila. Mahiwaga at malalim ang salita ni Jesus: “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar at sa Diyos ang sa Diyos.”

Ano ang ibig sabihin nito? Kayong nakikinabang sa pera at administrasyon ng Cesar, magbuwis kayo sa kanya. Dito sinasabi ni Jesus na dapat natin ibigay sa pamahalaan ang nararapat sa pamahalaan kasi nakikinabang tayo sa pamahalaan. Ibigay ang nararapat na paggalang, ang nararapat na serbisyo, ang nararapat na buwis. Sa panahon ng halalan, bumoto tayo. Makiisa tayo sa pagpatakbo ng pamahalaan kasi bahagi din tayo ng gobyerno.

Ibigay din sa Diyos ang sa Diyos. At ano ang sa Diyos? Ang lahat! Ang lahat ay nanggaling sa kanya. Ang lahat ng tao ay larawan ng Diyos. Nabubuhay tayo dahil sa kanya. Pati ang mga leaders ng pamahalaan ay nasa ilalim ng Diyos. Kaya pati ang mga namamahala ay dapat sumunod sa Diyos.

Madalas ginagamit ang kasabihan na ito ni Jesus upang sabihin na hiwalay ang kapangyarihan ng pamahalaan at ng simbahan – the separation of the church and the state. Hindi! Mali ang ganitong pag-unawa! Kasi pati ang estado ay nasa ilalim ng Diyos. Sila din ay dapat sumunod at maglingkod sa Diyos. Wala na silang karapatan na mamuno kung ang mga desisyon nila ay naghihiwalay sa atin sa Diyos. Siya ang una nating paglilingkuran. Mahalin at sundin natin siya nang higit sa lahat. Kaya makikiisa tayo sa mga namamahala kung ang kanilang pamamahala ay hindi naghihiwalay sa atin sa Diyos. Nangyari noong panahon ng mga Romano na pinagbabawalan ang mga Kristiyano na magsamba sa Diyos sa araw ng Linggo. Hindi ito sinunod ng mga Kristiyano. Marami sa kanila ay pinatay kasi nagsisimba sila sa araw ng Linggo. Kaya huwag tayo magpadala sa lahat ng sinasabi ng mga politiko. Suriin natin ang sinasabi at patakaran nila ayon sa batas ng Diyos. Ibigay sa Diyos ang para sa Diyos.

Ang Diyos nga ay makapangyarihan sa lahat, kinikilala man siya o hindi. Iyan ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Ang mga Hudyo noon ay nakabalik sa Judea mula sa pagkapatapon sa kanila dahil sa Persian emperor na si Ciro. Ginamit ng Diyos ang emperor na ito, kahit na hindi niya kilala ang Diyos ng Israel, upang makabalik ang bayan ng Diyos sa kanilang lupain. Pinasabi ng Diyos kay Emperor Ciro: “Ako ang Panginoon, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita bagamat di mo pa ako kilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala ng buong daigdig, na makikilala nila na ako ang Panginoon; ako lamang ang Diyos at wala nang iba.” Pati ang mga hari, ang mga emperador ay nasa ilalim ng Diyos.

Kumikilos ang Diyos upang makilala siya ng buong daigdig. Pinapaala-ala ito sa atin ngayong World Mission Sunday. Ibig ng Diyos ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Ang misyon ng simbahan ay upang gawin ito. Pinadala ni Jesus ang buong simbahan upang ipaalam sa lahat ang Magandang Balita ng kaligtasan. Kaya ngayong World Mission Sunday pinupukaw muli ang ating commitment na maging misyonero.

Ipakilala natin si Jesukristo, ang anak ng Diyos, sa lahat. Siya ay naparito kasi mahal tayo ng Diyos. Siya ay nagbibigay buhay sa atin. Ito ang pagmimisyon. Ibahagi ang magandang balitang ito. May mga tao na itinalaga na nila ang sarili nila para dito. Kinareer na nila ito. Suportahan natin sila. Itinaya na nila ang buhay nila para dito. Ipagdasal natin sila. Suportahan natin sila kahit materially. Kaya ngayong Linggo magkakaroon tayo ng second collection para sa gawain ng mga misyonero. Pero tayong lahat ay nagdadala din ng magandang balita sa pagsasabuhay natin ng mga aral ng Panginoong Jesus. What the world needs now is love. Pag-ibig ang aral ni Jesus. At iyan ang buhay ng isang Kristiyano, magmahal sa Diyos at sa kapwa. Lumalaganap ang poot at ang takot. Napakaraming mga digmaan sa mondo natin ngayon. Mag-ambag tayo ng pag-ibig sa mundo! Ibigay natin sa Diyos ang sa Diyos. Pag-ibig ang alay natin sa Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 3,895 total views

 3,895 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »

Mga Hamon sa Kabataan

 12,261 total views

 12,261 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »

Inequality sa ating Bayan

 18,138 total views

 18,138 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »

Mga Katutubo

 21,910 total views

 21,909 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 27,871 total views

 27,870 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 818 total views

 818 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 3,726 total views

 3,726 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 4,665 total views

 4,665 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 4,659 total views

 4,659 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 8,377 total views

 8,377 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 10,223 total views

 10,223 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 10,220 total views

 10,220 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 14,729 total views

 14,729 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 20,045 total views

 20,045 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 22,203 total views

 22,203 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 24,361 total views

 24,361 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 24,711 total views

 24,711 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 38,181 total views

 38,181 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 38,610 total views

 38,610 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 42,653 total views

 42,653 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top