Bishop Santos, pinangunahan ang pagpupugay sa Yumaong Kaparian ng Diyosesis ng Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,984 total reads

Kalakip ng pag-alala, pananalangin at pagpapasalamat sa mga yumaong lingkod ng Simbahan ang hamong ituloy ang kanilang sinimulang misyon para pagpapalaganap ng ebangelisasyon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa isinagawang Misa para sa mga Yumaong Kaparian ng Diyosesis ng Antipolo.

“Ito ay atin ngayon gagawin, tutuparin. Kung paano na ang kanilang minimithi na ang buhay natin ay buo, nagkakaisa at nagdadayaman, ito ay atin ngayon gagawin. Pangako na hind natin sasayangin ang lahat ng kanilang pinaghirapan. Pangako na hindi natin aaksayain ang lahat ng kanilang naiwan. At pangako na higit natin pagyayamanin ang kanilang naitanim, naipundar at ipinagkatiwala sa atin. At ang ating pangako sa kanila ay nagaganap sa ating mga kamay at makikita sa ating mabuti at magandang buhay,” bahagi ng pagninilay Bishop Santos.

Hinihikayat naman ng Obispo ang bawat isa na ipagpasalamat sa Diyos ang buhay na ipinagkaloob sa bawat isa na bagamat maikli lamang para sa iilan ay nagsilbi namang daan upang madama ang pagmamahal, pangangalaga at pagbibigay halaga ng Panginoon sa bawat isa.

“Nararapat lamang na sila ay ating purihin at parangalan dahil sa mga pagpapakasakit at pagtataguyod nila sa atin. Karapatdapat din na sila ay ating pasalamatan. At higit sa lahat ipagpasalamat natin sila sa ating Panginoong Diyos. Sa kabila ng maigsing buhay sa lupa, maraming salamat sa Panginoong Diyos sa pagbibigay Niya sa kanila bilang ating minamahal a magulang o kabyak sa buhay, bilang kapatid o kamag-anakan, kaibigan o kasamahan. Ibinigay sila ng Diyos para sa atin.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Binigyang diin naman ng Obispo na hindi lamang dapat na tuwing Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumao ipinagdarasal ang kaluluwa ng mga namayapa kundi maging sa pang-araw araw.

Isinagawa ang Misa para sa mga yumaong mga lingkod ng Antipolo sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral na dinaluhan ng mahigit sa 50 mga pari ng diyosesis at mga mananampalataya.

Ito din ay nagsisilbing taunang pagtitipon ng mga lingkod ng Simbahan ng diyosesis upang parangalan at kilalanin ang mga namayapang pari na naging bahagi sa pagmimisyon ng Diyosesis ng Antipolo para sa mahigit tatlong milyong nasasakupang mananampalataya sa lugar.

Matapos ang misa ay pinangunahan din ni Bishop Santos ang pagbabasbas sa puntod ng kauna-unahang Obispo ng Antipolo na si Bishop Protacio Gungon katuwang sina Antipolo Bishop Emeritus Francisco De Leon at Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,458 total reads

 21,458 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 4,158 total reads

 4,158 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 44,721 total reads

 44,721 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 72,528 total reads

 72,528 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 120,793 total reads

 120,793 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 142,717 total reads

 142,717 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,459 total reads

 21,459 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 23,738 total reads

 23,738 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top