Humanitarian cessation of hostilities sa holy land, panawagan ng One Faith One Nation One Voice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,747 total views

Nagkaisa ang mga opisyal ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon sa bansa sa pananawagan para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Holy Land.

Sa pamamagitan ng One Faith One Nation One Voice ay nagpahayag ng nagkakaisang panawagan ang mga lingkod ng Simbahan upang wakasan na ang nagaganap na sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel.

Iginiit ng grupo ng mga mananampalataya na hindi dapat na maisantabi ang karapatang pantao ng sinuman na nasasaad sa International Humanitarian Law.

Tinukoy ng One Faith One Nation One Voice ang pagkakaipit sa kaguluhan ng mga inosenteng mamamayan partikular na ang mga bata at mga kababaihan.

“As people of faith, we urge that religion, and the practice thereof, should call us to building peace that is based on justice. Whatever our limits, weaknesses and failures in articulating and upholding human rights and International Humanitarian Law, let us not be ensnared in silence or caught in inaction as women, children, and men are consumed by indiscriminate bombings with their lives upturned and their communities sent into hapless disarray and vulnerability.” Ang bahagi ng pahayag ng One Faith One Nation One Voice.

Naniniwala naman ang grupo na mahalagang matugunan ang ugat ng armadong labanan sa pagitan ng Israel at Palestina upang matamo ang kapayapaan sa Holy Land.

“We urge for a humanitarian cessation of hostilities and pray that a calm may prevail towards a re-imagining of what can move humanity towards Just Peace in Palestine and Israel! We must address the root causes of the armed conflict between Palestinian and Israeli parties.” Dagdag pa ng grupo.

Sa bahagi ng Simbahang Katolika, lumagda sa nagkakaisang pahayag si Kaloookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at Taytay,Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Office on Stewardship.

Bilang kongkretong pagpapahayag para sa kapayapaan sa Holy Land ay nagsama-sama ang mga lingkod at opisyal ng Simbahan at denominasyon sa pagsasagawa ng Prayers and Candlelighting for JustPeace in Palestine and Israel sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila ganap alas-singko y medya ng hapon noong ika-17 ng Nobyembre, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 53,087 total views

 53,087 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 86,169 total views

 86,169 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,520 total views

 114,520 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,252 total views

 182,252 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,689 total views

 201,689 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top